Saturday, December 6, 2008

Pacmania!!!




Ngayong tanghali, kahit sa ilang minuto lang, nagkaisa tayong mga Pilipino.

Sarap maging Pinoy!!!

Go MANNY!!! make more MONEY!!!!

Friday, November 28, 2008

pers taym...

Ang mga bagay na una mong ginawa, o nangyari sayo... yan ang mga bagay na tatak sa alaala mo habang buhay, mapa masaya pa man yan malungkot, nakakatawa, nakakatakot nakakatulo ng laway.

flash back-------------------

matagal na kami ng kasintahan ko nun, so siguro nakapagdesayd na kami na eto na ang tamang panahon (alraytttttttt!!!!) asa bahay kami nun sa maynila, kami lang ang tao sa bahay. Pero syempre para safe, dapt may condom... kaso.. eh sa pers tym ko, at di ko naman iniisip na mangyayari yun.. wala akong condom, so dali dali akong lumabas para bumili ng condom..

7-11
pagpasok ko sa 7-11, pumila na ako sa counter at agad na sinurveilance ng aking mala agilang mata ang counter... syet... di ko makita ang mga condom.. umalis muna ako sa pila... kumuha ng isang sprite in can at agad pumila.. halong excitement at kaba... excited na makauwi.. pero kabadong bumili ng condom. Pag dating ko sa cashier...
abot ng sprite sabay "saka condom po..." sagot naman ng cashier "ay wala kaming condom" loob loob ko (syeeeeeeeeeeettttttttttt!!!!) agad kong binayaran ang sprite, habang hawak hawak ang softdrink kumaripas ako ng takbo papunta sa susunod na botika

botika
keloyd: ale, pabili po ng mefenamic... saka isa na din pong condom
ale: ay wala na kaming condom
keloyd: ok bayaran ko na lang po yan...

hawak hawak ang sprite sa isang kamay at mefenamic sa kabil;ang kamay takboooooo nananaman sa susunod na botika..

pagdating sa susunod na botika pawis pawis na ako, halong asar at pagod na nararamdaman ko

botika#2
pagpasok ko sa botika, nakita ko ang hilera ng mga condom pucha!!! jakpot!!!
pero medyo nahihiya parinako bumili ng condom kaya nagpasimple ako.. tinagal ko ang resibo ng 7-11 at nagkunwaring listahan yun ng kailangan ko
keloyd: (with horse voice) may gamot po kayo sa ubo? saka vit c na rin daw po, (sabay tingin ulit sa listahan na animoy gulat) saka.. isa din daw pong condom.. anu ba to?...
ale: anung condom ang gusto mo (obviously alam nya na palusot ko lang yun.. hahaha)

pagkabayad ko, hawak ang sprite, at mga gamot, takbooo nanaman ako agad pauwiiiiiii. paguwi, at agad agad na umaakyat sa hagdanan naririnig ko na ang theme song ng rocky na eye of the tiger!!! mapapalaban ka na keloyd!!!! diziziziziziittttt!!!!!!

pagbukas ko ng pinto!!! booommm!!! tulog na yung kasintahan ko... kaya ayun...

hanggang ngayon.. virgin pa ko...

Sunday, November 23, 2008

kain kain

Naransan nyo na ba nun yung mga kadiring gawain ng mga kapwa natin? lalong lalo na nung mga kamusmusan natin... pagkagat ng kuko... sa paa!!! may masmalala pa dun!!! pagkain ng kulangot!!! pucha... pero... naisip ko... maskadiri siguro kung tutuli na ang kinakain.....

Maling akala

Alam nyo ba yung kasabihan na "maraming namamatay sa maling akala"?
feeling ko mas angkop na to sa mga nangyayari ngayon sa lipunan "maraming nabubuhay sa maling akala"

nakakabuntis po kahit pers taym mo
nakakabuntis po ang widrawal
hindi laging maasahan ang rythem method
hindi totoong ikikiskis lang!!! wag ka maniwala!!!!!!!!!!!!!!

The Sims

Eto na ata ang nagiisang laro na alam ko na nilaro ng halos ng lahat, pati ate ko nilaro to e.

bakit okey maging sim?
pwede ka maging kahit na sinung gusto mo
may cheat sa pera mabibili mo ang lahat
makakapgbakasyon ka araw araw
matututo kang magluto, kumanta, gumawa ng dwende within minutes!!!
may robot kang yaya
may susundo sayo kapag magtratrabho ka na


bakit pangit maging isang sim
sa halik lang makakabuntis/mabubunis ka na... thank God I'm alive!!!!!

twaylayt

Feeling ko 80% ng fans ng libro na yun mga babae. 100% sa kanila kinikilig
Feeling ko 70% ng lalake asar kay edward, yung tirang 30% kinikilig, ay wait bading pala mga yun
Pucha naman, lalo ng pinahirapan ng author nun ang pagiging lalake, panu pa kami papantay dun... hehe kaya mga gurls wag na kayo maghanp ng ganung lalake, mga ganung lalake asa section lang ng "fiction"sa mga book shop
wala na ko malagay hahaha

Tuesday, October 28, 2008

PAMPATANGKAD

Sa isang resto kanina na itatago na lang natin sa initials na Shakey's pizzeria.

Church boy: pare anu kaya ang pwede ko pang gawin para tumangkad? gusto ko talaga tumangkad tol.
Boy#1: pare cherifer ka
Church Boy: pwede pa kaya?
Boy#2: pare yung tsinelas
Church Boy: pare peke ata yun
Keloyd: magpalaki ka ng ulo.
Church boy: huh??? bakeet?
Keloyd: para di nila mapansin na mababa ka...
Lahat (si church boy pekeng tawa): HAHAHAHAHAHAHAHHAHAHA

Monday, October 27, 2008

X-mas memories

Ang pinaka paborito ko nung buwan nung bata pa ako ay Disyembre, yun ang pinakamasaya, birthday ko, tas bumibisita mga pinsan ko, at higit sa lahat, pasko! at mga regalooooooooooo!!!!!!!

Ang dami kong pinaniwalaan nun, kapag naiisip ko ngayon lage pala ako nauuto ng lolo at lola ko, pero okey lang, atleast dami ko regalo hehe.
- three kings -sabi ng lola ko sa binatana daw dumadaan ang 3 kings, kaya yung mga regalo ko nakukuha ko sa bintana, kaso nagtataka ako nun... eh diba 3 kings??? eh bakit iisa lang regalo ko...
- pag sabit ng mejas - sabi ng lolo ko nun magsabit daw ako ng mejas, tas magkakapera daw yun.. so ginawa ko nga.. kinabukasan may pera nga!!! malulutong na singkenta!!! (hehe malaki na nung araw yun...) so ng sumunod na krismas, pinuno ko ang bahay ng mejas!! pati mga mejas ng lolo ko na maluwag na ang garter sinabit ko, pati ang mga stockings ng lola ko sinabit ko, wais ata to!!! hehe kaso pucha.. yung mejas lang sa may kama ko ang nagkakalaman...
-Xmas tree - pagpatak ng birthday ko, jan na kami magsisimulang magbuo ng xmas tree, ang ganda ng xmas tree namin nun.. ang laki!!! mga tipong pwede tirhan ni tarzan!!! tas punong puno ng mga regalo sa ilalim, tas kapag nabuo na namin ang puno, binubuhat ako ng lolo ko para ilagay ang istar, kaso.. habang tumatanda ang lolo, at ako naman eh lumalaki... ndi na ko binubuhat.. bumili na lng sya ng hagdan... kaso di ko feel.. so magtatanpororot face ako nun.. so ayun.. nagkaback problem ata lolo ko hehe
-give aways - tuwing xmas din, may mga give away ang lolo ko, tulad ng isang pagkakataon, ang binigay nya sa mga tao nya, mga wallet, seiko pa nun!!! ang wallet na maswerte!!! sa loob ng wallet naalala ko may laman na singkenta pesos (50php) hehehe at dahil sa wais ako na apo, kinukuha ko yung 50php, hehe kaya nagtataka sila bakit yung iba meron yung iba wala. namimigay din ang lolo ko ng mga bente bente na malulutong sa mga tao at bata sa pinaglalaruan nya ng tennis, binibigyan nya pa ako nun ng isang bundel para ipamigay ko din, napakabit ng lolo ko, kung kalahati lang ako ng pagkatao nya...

Ang pinakaayaw ko lang nun eh... tuwing naglalaro kami ng mga pinsan ko.. bigla akong tatawagin ng lola ko.. para magrosaryo... susme... isang oras ata akong nakaluhod nun... minsan nga napapaisip ako.. san kaya nalayo ang landas ko.. nung bata ako eh gabi gabi akong nagrorosaryo, pinagsakristan pa ako ng lola ko (sinuhulan ako nun hehe, may bayad ang bawat attendance ko) akala pa ng lahat eh magpapari ako. Pero wala eh... I'm born to make women happy... naks jowk lang

nakakamiss...

Saturday, October 25, 2008

kodigo

Siguro kung nangopya lang ako nung college, eh di na ko natangal sa engineering.. kaso nga naman... panu ako mangongopya kung puro solusyon ang kokopyahin ko.


Lumabas ata ang pagiging kre-eytib ko sa pangongopya nung hayskul, sa chinese class ko nun. Hindi ko alam kung nagawa ko ang lahat ng istilo ng pangongopya, pero eto eto mga nasubukan ko.

*isulat sa maliit na papel -basic
*isulat sa loob ng panda ballpen -delikado
*isulat sa lamesa -halos lahat ata ginawa to, pati ata teacher natin ginawa to, pero may teknik ako dito para di halata, hinahalo ko sa drawing
*isulat sa sapatos, sa swelas ng sapatos, so dapat lage ka nakadikwatro nun
*isulat sa paa, iaangat mo lang ang pantalon mo ayun na
*isulat sa papel tas idikit sa bulsa ng polo
*buksan ang notebook at handouts -sinu bang di ginawa to?


sana mabasa to ng mga estudyante ni kathe hehe

aplyanses repeyr

Hindi ko maintindihan ang isang pamamaraan ng tao upang ayusin ang isang gamit, say TV na malabo, Dvd player na di tinatangap ang bala, lahat jan ang sagot nila eh pukpukin ang gamit... hahampasin, kakatukin, nakakaayus ba talaga yun?

teknik ba yun?

onli in da pilipins

Lumaya na si Teehankee... Alam nyo ba kung anu ang ginawa nun at nakulong sya? pucha... bakit ganun? ang masama pa, eh ang pamamaraan ng paglaya nya...

Monday, October 20, 2008

bagong pick up line

may bago akong pick up line!!! hehe nakuha ko to ng tinext ako ng gf ko na napanaginipan daw nyang palaka ako.

eto na, babala korni to.

sana naging palaka na lang ako... para kapag kiniss mo ko, ako na magiging prince charming mo hahahaha!

Multiple GF's/BF's tips

Rule #1
Bumili ng extra cellphone, didiskarte ka na lang lubos lubusin mo na, gagastos karin lang naman (pamasahe, date date, regaregalo) lubuslubusin mo na. Importante ang pagkakaroon ng iba ibang numero, mas mabuti kung isang babae isang numero/cellphone, kasi may mga babaeng nangchecheck ng cellphone, yung hindi naman nagchecheck pwede mo iwan sa kanya ang cellphone mo, para magmukhang wala kang tinatago... kuno...

Rule #2
Iwasang magkwento o maikwento ang ibang mga babaeng involve, madalas na pagkakamali ng ibang tao eh ang nakwekwento nila ang ibang mga babae o lalake na kalaguyo nila, para siguro incase may marinig o may makakita eh isipin nung kausap nila eh kaibigan lang nila, pero ang totoo nyan, maskonti o rather kapag wala talagangalam tungkol sa ibang tao eh masmainam.

Rule #3
Geography, madalas na nahuhuli ang mga salawahan dahil ang mga ginagantyo nila eh may mga koneksyon, kung ang isang kabit mo eh di nya alam na kabit sya pwes siguaduhin mong di nya kilala isa mo pang karelasyon, pero kung legal lang nama eh di ok lang, pero kung hindi, nakooooowww iwasan mo yan. more likely mahuhuli ka.

Rule #4
kung seryoso ka talaga sa pagkakaroon ng multiple partnes pwes kailangan mong idelete ang friendster, multiply , facebook o anu pa mang networking ek ek na yan, dahil mahuhuli at mahuuli ka jan. sakripayssss.

Rule #5
Time management, iwasan ang pagdadate ng ilang partners sa isang araw, ndi to pelikula, mahirap yun gawin, hagol ka na sa oras masakit pa sa bulsa.



to be cont.di ako makakonsentreyt dami distorbo

babaero

Hindi masusukat ang pagiging babaero ng isang lalake sa dami ng kanyang mga naging babae, bagkus eh sa kalidad ng kanyang mga nauto.

Monday, August 4, 2008

am baaaaacckkkkk

mga ilang katangahan sa buhay ko.

1. Napautot ng malakas habang tahimik ang lahat (see previous post for reference; kung anjan pa)
2. Habulin ng tricycle driver kasi nakalimutang magbayad
3. Tumayo at sumagot sa isang forum na hindi naman pala ako ang tinawag
4. Tumawa sa joke na hindi ko nagets, tumawa na lang para makasabay sa uso
5. Magbigay ng mahabang joke na walang nakagets
6. Sinubukang gulatin ang kaibigan pero iba ang nagulat
7. Batiin ang taong di mo pala kilala
8. Magpakilala ng taong nakalimutan/ o maling pangalan ang ansabi mo
9. Maihian ang sarili, kasi akala ko tapus na si junior, hindi pa pala
10. Mapautot sa kakatawa, tas ikaw na ang tatawanan

ghost stories

Hindi ako ang tipong taong naniniwala sa mga aswang, mangkukulam, dwende, kapre, o virgin pa kuya ko, ang pinakaalanganin na atang pinaniniwalaan ko eh si santa clause. Hindi din ako mahilig manood ng mga nakakatakot na pelikula kasi nakokornihan ako, parang tinatakot lang natin sarili natin, binibigyan natin ng rason ang utak natin na gumawa ng imahinasyon o anu pa mang kabalbalan.

2 years na ako dito sa naga, mag 1-1/2 years na ko dito sa apartment ko, sa unang apat na buwan ko dito eto ang aking naranasan (babala; kung maghahataing gabi na, bukas mo na to basahin kasi aantukin ka, kung matatakutin ka o may askit ka sa puso, sige lang walang mangyayari sayo)

Bagong lipat langa ko nun sa apartment, wala pa akong masyadong mga kagamitan (come to think of it, hanggang ngayon wala pa akong mga kagamitan) sa kutson lang ako natutulog nun, anyway, isang gabi.. habang natutulog ako, nagising na lang ako ng bigla kasi yumuyugyog ang kutson ko, pagdilat ko tumigil sya.. akala ko nanaginip lang ako at pumipitik ang paa ko, so hinayaan ko lang atr natulog ako ulit, pero naulit pa ito ng tatlong beses. pero hindi ko ito masyadong binigyan ng pansin.
may kapitbahay akong nagpapagawa ng bahay, nagsama sya ng isang eksperto ng feng shui, ako naman pininturahan ko ang kwarto ko ng stripes ng green at brown, oo idol ko si tarzan. Iniwan kong bukas ang mga bintana ko sa kwarto upang sumingaw, habang nagaantay ang kapitbahay ko at ang feng shui master sa waiting shed sa tapt ng apartment ko, biglang nagpanic at nagmamadaling sumakay ng jeep si FS master, at ayun sa kwento ng kapitbahay ko, may nakita daw syang malaking mama sa binatana ko (bigla kong narealize andito pala ako sa kwarto ko habang ginagawa ko to... syeeeeeeeeet!!!!)
ng ikwento eto sakin ng secretary ko natawa na lang ako (pero deep inside ninerbyos din ako) ng gabi din na iyon, naligo ako, paglabas ko ng banyo, nakita ko ang hand towel na sinabit ko sa upuan, gumagalaw... nakasara ang mga bintana.. nakapatay ang electric fan... tumayo ang lahat ng buhok ko sa katawan.. oo pati sa kili kili at sa kuwan.. dahn dahan akong umakyat ng hagdan.. at nagpapasimple na hindi natatakot.. pagdating sa kwarto nilock ko ang pinto.. na tila ba hindi kaya ng multo lumusot sa pader.. nagtabi din ako ng kutislyo, na tila ba pde mo pa patayin ang patay...

end of part one

Thursday, July 10, 2008

kahon ng lipunan

hindi mo kailangang ipagkasya ang sarili mo sa kahon ng buhay, mahirap sa loob ng kahon, masikip, mainit at amoy karton

Monday, June 9, 2008

exodus

ang weird.. parang lahat na mga nagiging kaclose ko umaalis...

joseph - vancouver 2004
abie - new york 2005
racquel - toronto - 2006 na ata
sieg - qatar 2007
marlah - 2007 at o 08 marlah anu nga ba? nalito ako abu dhabi

tas ngayon si sandra new york 2008

Wednesday, April 16, 2008

agaw pansin

May naglalakad na chicks.. anu ang una mong napapansin? kinis ng legs... mahabang buhok... malaman na pwet.... korteng pamatay... dibdib na nakakalunod.... anu nga ba?

siguro marami ang hindi maniniwala, pero hindi ko talaga napapansin ang katawan ng babae, rather hindi ko agad napapansin, ang talagang pumupukaw lang sa pansin ko eh ang mukha, ipen, at mga kuko.

Kaya minsan nagtataka ako kapag may mga nagsasabi sakin na icheck out ko yung babae kasi makinis o anu, napansin ko din, bakit ang mga babae, napupuna lage nila ang dibdib ng kapwa babae... yun ba ang pangalawang tinitingnan ng mga babae?

anu na lang ang mangyayari kung crotch ng lalake ang pangalawang titingnan ko... hehe sagwa...

Wednesday, April 9, 2008

ang aking Pamilya

si Nanay - sya na lang yata ang hindi nakakaalam na paborito nya kuya ko, hehe. kung eto presidente natin feeling ko walang magloloko oh mangungurakot, tingin pa lang nakaksugat na, at naku kapag nagsalita mahihiya pa ang machine gun sa kanya, memorize ko na ata lahat na sermon nya hehe,iba rin yata to si mama pag dating sa ate ko; kapag wala si ate ganito sasabihin samin; Nanay: anu ba yang ate mo wala pang boypren hindi kasi marunong magayus, walang kaclassclass at hay naku tumitingin pa sa mga hukay hukay (ukay ukay) maikakasal kaya yan. pag anjan naman si ate ganito sya; Nanay: anu may boypren ka na ba? wag na muna ha, saka na, anu yang ate mo ba may boypren na? ganito naman sya sa Kuya ko ; anu ba yan ang taba taba mo na, maggagalaw galaw ka nga ng hindi ka tumataba ang laki na ng tiyan mo ah, aba magdiet at excercise ka na anak. pero kapag nasa hapagkainan; Nanay: aba anak kumain ka pa o eto bulalo kainin mo yang taba masustansya yan, kain ka pa. (nababaliw ako!!!!)
pero kahit ganun sya, laki parin ng pasasalamat ko na sya naging nanay ko, iginapang nya kami, kahit anung pagkakamli ko pinatawad ako.

si Kuya - (scenario tangahlian/hapunan) Kuya: ateeeeeeeee tubig nga (ang pitsil nasa harap lang nya), ateeeeeeee ketsap nga ( nasa tabi lang nya), lahat ginagwa ng kasambahay namin para sa kuya ko, kahit sa paghahanda ng damit na isusuot eh sya pa ang namimili at naghahanda (kaya pagdasal nyo na lang na okey ang fashion statement ni ate). role #2 ni kuya; jekyll and hyde, kapag sa babaeng trip nya jekyll sa hindi hyde hehe kapag nanliligaw (kung oo man, torpe eh.. o sige kapag nagpapacute) jekyll kapag nakuha na gusto o nagsawa na hyde, kay mama; kapag may kailangan jekyll kapag nakuha na o wala na hyde hehe, role #3 sparring partner ko, peromatagal na to, nung hindi na sya nanalo hindi narin lumalaban haha! role # 3 swapang sa babae, ang babae nya babae nya ang babae ko babae nya hahaha! kapag may usapan kayo at biglang hindi sumipot at nagsabing "emergency lang" naku babae na yan. kapag naligo naku babae na yan, kapag nagpabango naku babae na yan, kapag nagprapraktis ng english naku babae na yan, pero naku kahit sinu pa tong kumag na to kahit kasuklam suklam to kuya ko parin to, makikipagsapakan pa rin ako at... at... sapakan para sa kanya hehe. pinagdridrive naman ako nito eh kapag.. kapag wla syangbabae hehe

si Ate (bayologikal) - ang bumbay ng bahay, inuutangan namin ni kuya pero kadalasan t.y. na lang hehe, ang aking tagamasahe pero syempre may kapalit yun, kwento sya ng mga gurly stuff sabay ako nakikinig habang hinihilot hehe. bad trip sobrang mahal ko ate ko di ko mahiritan haha! saka na hahatak muna ko ng lakas ng loob. ang kaisaisang babae sa buhay ko -- eto na dagdag, kapag inaabot to eh biglang nagiging kaboses si mahal at si mura, imagine nyo na lang isang babae sa kanyang mid 20's nagbaby talk, ewan ko ba kung dapat ako makyutan, syado ring sabik na magkaroon ng boylet, hindi ko rin maintindihan kung bakit... minsan tuloy naasar ako, kaya kapag mga ganyan ang topic eh ayaw ko ng pakingan. lam nyo kasing mga babae di dapat kayo nadedepressed kung walang lalakeng nagseseryoso sa inyo na manligaw, ibig sabihin lang nun eh kayo ang mga babae na talagang dapat paghirapan at worth it, mga kalalakihan kasi ngayon kontento na ang iba sa mga easy to get, kaya chill lang kayo. pagdating ng hapunan kala mo wala ng bukas, tas bigla syang magtataka na may tiyan daw sya, wag kang pahuhuli dito kumain at tiyak na wala kang aabutan na ulam kundi gulay.

si Ako - pasaway sa pamilya, nagkukunyarig good boy, hindi na pinaniniwalaan ng mga babae na kakilala nya. lalo na mga skulmate nung highskul. kapag may kausap na babae na kilala sya nung HS ; babae: naku paolo tigilan mo nga ako bolero ka talaga. (bolero nga naman ako nung HS), Babae sa kolihiyo: naku gian tigilan mo nga ako mga ganyang hitsura hindi pinagkakatiwalaan ( may nakapaskil ba sa noo ko na manloloko???) hehe oh well ganyan talaga buhay. saka ko na hihiyain sarili ko madaling araw na antok na ko to be continue na lang (pero i doubt na madagdagan ko to haha!)

Uncle Bilog (pinsan ng tatay ko) - role model ng kuya ko, (sa mga kalokohan) kasma ko sa binondo paborito nito ang soup number 5(bakit kaya?). suki rin to sa mga ktv jan sa roxas, kapag kasma ko to wala ng frisking na ginagawa sakina ng mga bantay, eto ang nagturo sakin dati na "okey lang ang makipagsuntukan matalo at umiyak ang importante eh nakasuntok ka" kaya siguro ako lumaki na di takot sa gulo, tumatak sa isip ko e. tapus ngayon nalaman ko hindi pa pla sya nakikipag suntukan, lagi umiiwas sa away. (to be cont)

elevator

nung isang araw; (aktwali.. matagal na to, nung nasa kolehiyo pa ko)

late nanaman ako sa isa kong class na walang kwenta... so nakapag desayd ako na mageelevator na lang ako,

pindot ng button
bumukas ang pinto ng elevator; "aba, walang laman ayus" <== sa isip ko lang yan

pagpasok ko sa elevator at pagsulyap sa mundo sa labas ng mga ordinaryong nilalang na gumagamit parin ng primitibong hagdan... may nakita akong isang pamilyar na mukha... ang aking natatanging crush, nagmamadali syang humabol sa elevator na pasara na ang pinto... ngunit di na sya aabot... buti na lang nasa kamay ko ang kaligtasan!!! so ayun sinagip ko sya sa pagod ng kamunduhang hagdan,

pagpasok nya binigyan nya ako ng isang mala close-up komersyal na ngiti at sabay "thank you", sabay reply naman ako ng "dont mention it" sabay ngiti rin mga pacute epek

ahhh natutunaw akooooooo

background muna,

ang nakaraan;

kakatransfer ko lang nun sa eskwelahan ko ngayon, at sa isang subjek klasmayt ko sya grabe buong buhay ko yun lang ata ang klase na hindi ako umabsent o nalate, eniwey isang araw, nagkataon na naging grupmate kami, so sabi ko sa sarili "***** eto na pagkakataon mo para makuha ang numero nya" so nagisip ako ng mga swabeng linya;
can I get your number? for our project of course
would I get your number or would you get mine?
that's a nice phone... does it have a number?

so anu ang sinabi ko? "anu number mo?" anak ng tupa walang dating syet...

balik sa elevator;
habang nasa loob kami ng elevator sinabi nya "5th please" sabay sinuklian ko naman ito ng isang ngiti,

naglalaro na isip ko, gusto ko syang kausapin so namili ako ng sasabihin;
hi, its been a while
hey, do you still have my number?
how you been? same number?

so ang sinabi ko "ang tagal na kitang crush... may boypren ka na ba?"

hehe syempre di ko sinabi yun anu ako bali?

eniwey habang iniisip ko kung anu ang gagawin ko... unti unti syang naglakad palapit sa akin... OMG eto na!!!! nakangiti sya... sabay ang isang nyang kamay inangat nya tila ba yayakap saakin... en den pinindot nya yung button na may numerong 5...

hindi ko pala napindot...
hindi pala gumagalaw yung elevator...
nagmukha nanaman akong engot

paraiso

august 16-2006

Dami ng nagbago sa bora ng huli ko tiong makita, masmarami na ang mga istrukturang konkreto, halos buong baybayin na eh natatakpan ng mga resort o kainan. Ngunit sa kabila ng lahat ng pag-angat ng kabuhayan sa islang eto eh sya rin naman ang paglubog ng buhay ng mga lokal o indigenious na mamayan ng isla. Di tulad ng mga turista dito, maitim sila, kulot yung mga tipong hitsura ng mga nilalait natin na klasmeyt nung bata pa tayo. Nakaupo sila sa tabi ng daan, o ng mga nagsisilakihang mga resort o bilihan sa baybayin. Nahiya ako sa sarili ko, heto ako nagsaysaya, at hayun sila, nakaupo, bit bit ang kanilang mga anak, nagpapasuso, humihingi ng bariya, tahimik na sumisigaw ng saklolo. Anu na lang ang kinabukasang naghihintay sa kanila? Makakasabay ba sila sa mabilis na pagikot ng bagong mundo? Sila ang mga orihinal na nainirahan sa isla, nakatira sa tabi ng dagat, namumuhay ng simple, at siguro masaya, ngunit sa pagdagsa ng ibang tao, natulak sila palayo sa kanilang kinagisnang buhay, ngayon eh nagmistulang pulubi sa sarili nilang lupa, sa lupa ng kanilang mga ninuno. tama ba yun?

dalwang klase

sabi ng kaibigan ko dalawang klase lang daw ang babae,ito iyung kapag tinanung mo daw ang kaibigan mo ng "anung hitsura nya? maganda ba?" at kapag sinabi nyang "oo maganda" o di kaya "panalo tsong" okey daw yun pero kapag ang sinagot naman ay 1.mabait yun 2.matalino sya 3.maputi yun flawless 4.kinis ng legs pare 5.laki ng puweeet 6.bright ang future (malaki ang hinaharap) 7.okey lang huwag ka na umasa... kung dalawang klase lang pala ang babae (maganda at okey lang), dalawang klase rin pala ang lalake... ito ay ang mga manyak at ang mga nagkukunyaring hindi manyak.

presyo ng pagibig

bakit magastos ang magkasyota

1. monthsary
2. anniversary
3. at kung anu anu pang sary
4. new year
5. valentines
6. bday nya
7. bday mo
8. may magandang pelikula
9. may bagong resto
10. xmas
11. at kung anu anu pang excuses para lumabas

Ego ng Lalake

Bakit kaya kaming mga lalake or rather ang karamihan sa mga lalake kapag may bakla kahit anung pangit nila feeling nila may gusto sa kanila ang bakla?

Bakit kaya kelangan pa magimbento ng mga ibang lalake tungkol sa sex layp nila anu naman masama kung ndi ka madapuan o birhen ka pa? Ako nga eh never been touched never been kissed eh.

palusot 101

anu ang gagawin mo kapag gusto mo lumabas pero strict ang parens (excuses101 for promdis na nagcocondo/dorm/apartment sa manila)

1. kung ang nanay mo ay laging tumatawag para icheck ka, ngunit kelangan mo ng umalis unahan ng tawag si nanay 30 mins bago ka umalis, 30 mins kasi baka tumawag sya uli just in case lang.

2. kung hindi ka makakauwi at may tyansang tatawag si nanay, itext o twagan ang kasama sa bahay at pabilin na kapag may tumawag lalo na si ina ay sabihing tulog ka na, kung mag-isa ka lang, sabihin na lang kinabukasan na tulog ka na, dapat ay maback-upan mo ito, sanayin ang mga magulang una kapag nasa manila sila pakita na maaga ka ngang natutulog o *inaantok, galingan ang arte pilitin ang sarili, tandaaan dito nakasasalay ang iyong paglalabas. or kung bihira man si nanay bumisita itext lang si nanay sabihin lagi ka pagod maaga ka natutulog at anu pa man

3. tandaan masmagandang nagpapaalam, so kung ikaw ay magswiswimming at malamang hindi ka papayagan sabihin mo na lang magsisine lang.

4. kung may mga overnyt kayo ng barkada kesa na hindi ka magparamdam ay sabihin mo na lang na retreat o kaya outreach o kaya community service. pero sana kung kasama mo mama at sasabihin mong outreach huwag mo sana papakita na may dala kang bikini o tanning lotion at naku malilintikan kang bata ka.









5 lagi patatandaan na kung anu man ang ginawa mo sa magulang mo ay sya ring gagawin ng anak mo sa iyo...

Memorable

LOL - dati may kachat ako, maganda sya, okey naman kausap, kaso kapag nagpapatawa ako panay ang reply ng "LOL or LOLZ" nung una okey lang.. kaso nung tumagal naasar narin ako, nireplyan ko na ng "kanina ka pa ah!!! ULOL ka din" ayun... hindi pla yun ang meaning nun..

fishball at scramble - nung elemntary ako, kapag recess pumupunta ako sa gate ng iskul at dun ako bumibili ng fishbol at ng scramble (crush iced and powder milk and flavoring with chocolate syrup) ayus yun sarap!!! tas maanghang pa yung sauce ng fishbol. then isang araw, after ng recess habang nasa loob ako ng silid aralan, nakaramdam ako ng lindol sa loob ng aking tiyan, pinagpawisan ako ng malamig, kumirot ang aking tiyan... in short NATATAE ako... agad akong nagpaalam sa aking guro "ma'am may I go out?" kaso meron pang nagcr so sabi ng guro ko antayin ko daw makabalik yung klasmayt ko, so nagantay ako habang pinipigilan ko ang sarili ko... at nagpapasimple na wala lang, na okey lang ako, kakahiya kaya umamin nung bata pa ko na natatae ako, uulanin ako ng kantyaw nun eh, o sya naghihintay na ko, eh kaso yung kumag kong klasmayt bumisita pa sa canteen at bumili pa ng kung anu, habang ako naman nagmamatigas na isara ang butas ng puwit ko. sa wakas dumating na klasmayt ko, agad agad akong tumayo at nagpaalam "ma'am may I go to the bathroom?!!!!". at agad agad na pasimpleng naglakad palabas ng silid aralan, at ng medyo nakalayo na, hala!!! karipas sa takbo!!! habang pisil pisil ang mga pisngi ng pwet ko pilit na isinasara ang butas ng puwit ko, nakikita ko na ang CR, konti na lang... malapit na!!!! BRRRRUWWWAAAAKKKK.... nakaramdam ako ng pagkakagaan ng loob, nawala ang sakit ng tiyan ko... nakaramdam ako ng init sa salwal ko... at nakramdam ng mainit na dumadaloy sa paa ko... hala!!!!

RELS3 - Religion3, bago ang lahat describe ko muna tong class na to, ang instructor namin dating semenarista na kamukha si bonel balingit kaso payat sya, may tono sya bisaya ata, mahilig mag joke, nakakatwa sya plus yung facial asset nya kakatwa din, halos lahat kami dun ireg so hindi lahat magkakakilala, lahat sila computer related courses at huli sa lahat 7-9pm class na to. nakaupo ako malapit sa pinto ang katabi ko crush ng department nila, maganda mahaba maputi mahaba buhok pero medyo kinulang sa iodize salt, sa likod ko naman mga kababaihan na madalas tumili at magbulong bulongan at ngumiti, lakas din mangtrip, anyway isang gabi, nag film viewing kami, limot ko na kung anung pelikula... patay ang ilaw, tahimik lahat, ako naman inaantok... then suddenly nauutot ako, so lumabas ako ng rum then utot, ahhhhh sarap, balik ako sa rum mya mya nauutot uli ako... di ko ba alam kung anu nakain ko, so labas uli ako utot... aaahhhh mainit init, balik naman ako sa silya ko... ayun nanaman nauutot nanaman ako... pero dis time napagisipisip ko pasisimplihan ko na lang kakatamd aksi tayo ako ng tayo... so ayan nagconcentrate ako... dadahandahanion kong ilalabas ang hangin ng aking katawan... unti unti kong ibubuka ang butas ng pwet ko.. para controlled flow... ayun na ayun na dahan dahan lang... PPPPOOOOOOOOOOOOOOOOOOOTTTTTTTTTTT ang pinakamalakas na utot na nagawa ko idagdag mo pa na plastik ang upuan namin na nagsilbing mic, hala nakarinig ako ng malakas na mga tawa mula sa mga spice girls sa likuran ko, mga tao sa paligid lilingon ko sa banda namin... ang masama nito isolated kami ng katabi kong byuti kwin, so isa lang talaga samin ang gagawa nun... anu ang ginawa ko? aba! bigla akong humarap sa katabi ko na tila ba gulat na gulat ako with a "OMG look" hehehe after nun di na ko kinausap ni byuti kwin, sayang... pwede pa anman sana kami,

panonood ng pelikula

tips sa paghahanap ng pelikula sa isang date

unang dapat iwasan kung manonood kayo ng sine na kasama ang taong gusto mo ay ang "grup date", mahirap ito kasi mahahati ang atensyon nya, isa pa tsambahan sa upuan, hindi ka sigurado na yung gusto mo ang makakatabi mo hassle to masyado, ilang oras din yun. Mawawala ang intimate moment, sayang lang pinangbayad mo.

iwasan ang Action movie. kasi kapag aksyon movie, kain ang attensyon nyo sa pelikula syempre daming mga eksena na kailangang abangan, Pagnakatsamba ka pa ng sex scene sus ginoo magkakailangan kau nyan kapag di pa kayo magkakilala, pareho pa kayo magkukunyari na ayaw manood... sus..

Love story, piliin ng mabuti, huwag yung mga cheesy, siguraduhin na maganda at nakakainlab.. at guess what! kapag nakakainlab sya syempre magrereact yun "ayyyyy nakakainlabbb!!!" at sinu ang kasama? ikaw! advice ko lang panoorin mo muna pelikula siguraduhing maganda at wag cheesy, at iwasan din yung mga lab stori na masyadong impossibleng gawin ng isang mortal na lalake i.e. 51st dates, anak ng pucha naman hanep yun! kahit ako nainlab kay adam sandler, at kahit ako di ko kaya yun, walang lalakeng makakagawa nun.

Horror, maganda rin ito kasi sa bawat nakaktakot na moments paramdam mo na asa tabi ka nya... na di mo sya iiwan, na proprotektahan mo sya, hehe bonus pa ang bawat sandali na mapapayakap sya o diba hindi lang ang pelikula ang nakakpanindig balahibo. kung malakas naman ang loob ng babae, kaw na lang magkunyaring natatakot hehe yakap ka din tago ng mukha sa balikat nya haha! Napapansin ko lang lately, parang madalang na ang mga babaeng matatakutin sa mga ganitong pelikula, mahirap mang aminin pero madalas eh... masnatatakot ako kesa sa mga nakakasama ko, kaya medyo iwas na ako sa mga ganitong pelikula.

Suspense/Komedi, gaya ng action movies kelangan itong pagtunan ng atensyon... iwasan, maliban lang kung worth it talaga, kung maganda talaga yung movie para after nung movie meron kayong topic na pde pagusapan... mga good for two days, bonding

kung gusto rin sulitin ang mga oras na kasama sya, piliin ang mga pelikulang gaya ng harry potter o kaya lord of the rings o kaya brave heart... alam nyo na ba kung anu ang pagkakapareho ng mga to? isa lang, lahat sila matagal... hehe o diba masakit na pwet nyo di parin tapus ang pelikula hehe, magsawaan kau!!!

manood sa mga sinehan na walang sure-seats. masmaganda dun sa mga mauulit ulit mo pelikula hehe para masmahaba ang oras nyo hehe,

liar liar

ang pinakamalaking kasinungalingan sa buhay ko, ang masaklap dito, di ko agad na realize. sinabi to ng kasambahay namin dati nung bata pa ako. shit napaniwala ako for a time.

yaya: ang pogi talaga ng alaga ko

tanong ng buhay ko

totoo bang masamang magtapun ng tisyu sa toilet bowl? sabi kasi ni ka ernie di naman, pero sabi ng nanay ko at ng mga banyo sa mga restoran oo, anu ba talaga?

pwede mangulangot ang taong pudpud ang kuko?

bakit nakasideview ang mga bayani sa coins natin?

bakit parang isa sa mga holywood series ang conspiracy ni PGMA?

ang tinga ba dapat pagkain lang? eh kung buhok na nastuck sa ngipin?

kapag ubos na ang ngipin mo pwede ka pa bang gumawa ng chikinini?

Bakit...

kapag payat na babae seski!!!
kapag payat na lalake malnurish...

bakit bawal maligo kapag pagod? totoo ba ang pasma? bakit wala itong kahulugan sa ingles?
bakit kailangang maligo agad kapag naulanan?

bakit bawal matulog kapag bagong paligo? dahil ba sa mababasa ang unan?

papanu kung pagod na pagod ka tas naulanan ka?

bakit kaya si batman tuwing gabi lang nagrerescue, wala bang krimen sa umaga?
naliligo pa kaya si aqua man?
bakit kahit anung laki ni incredible hulk hindi nasisira short nya? spandex ba yun?

masama ang maggupit ng kuko kapag gabi (eh kung kagatin ang kuko?)
masamang magwalis ng gabi (vacium? feather duster?)
matulog ng basa ang ulo (papanu ang kalbo?)
matulog ng busog.. (pwede)
hindi ka na tatangkad kapag tinawiran ka habang nakahilata ka at hindi ka na balikan
lumalabas ang kinain sa sugat?
may aswang (looking at may ate.. hindi siguro.. malamang tikbalang)
kapag nasa burol, huwag magpapaalam.. (kasi di naman makakasagot yung patay ah ewan hehe)
totoo bang tumatangkad kapag nagpapatuli? (masubukan nga)
sorry.. nakainum ako kagabi, di ko lam nangyari.. di ko sinasadya
totoo bang nakakabulag ang pagmamasturbate?
kapag malaki ang paa, malaki rin ang..... (magsusuot na ko ng size 16 na sapatos)

nakakabuntis ba ang withdrawal?

anu ba ang withdrawal?

nakakalabo daw ng mata ang pagmamasturbate... hehe so panu wala pa akong salamin.. pwede pa!!!

bakit ba kapag dinidescribe ako eh funny at witty? di ba pwedeng gwapo? kuntento na ako dun, sa totoo lang... oks na yun

mahal ba ako ng babaeng mahal ko? mahal mo ba ako? sagot!

repost

hassle talaga na nawala dati kong blog, buti na lang yung ibang kong post asa friendster, irerepost ko na muna dito baka mawala friendster e hehe

byee

Guys, aalis na ako sa april 31,mga 6 years din yung contract, di ko lam kung makakpagblog pa ko, sana.... iniimbitahan ko kayo lahat sa pier one roxas, ng 1am ng april 31!!!

Wednesday, April 2, 2008

estudyante codes

kakamiss ang buhay estudyante, saka yung mga pagpapalusot..

Group study - drinking session ng barkadaaa
over night para gawin ang thesis - may outinggggg
project - kailangan ng pang outiiingggg
late - maaga dumating ang prof
bukas na ang deadline -uumpisahan ng gawin ang project
ma'am may i go to the wash room - yosi break muna

to be cont

Tuesday, March 25, 2008

tula

habang kachat ko si moiee nainspire nya ko gumawa ng tula, sabi nya kasi tuturuan nya ako di naman e

takas

sa wakas ako ay nakatakas
sa baklang sumisipsip ng lakas
takot sa aking mukha ay bakas
ang aking puwit ay nagpapasalamat ng wagas

palm sunday mass

gusto magsimba nung lolo ko nung lingo.. kahit na hindi ako katoliko, sinamahan ko sya.

sa simabahan...
hindi ko maintindihan yung misa.. asa wikang bikol kasi..
dalwang beses humingi ng donation..
napaliguan ako ng holy water, hanep yung pinang wisik ni father.. isang buong sanga ata yun
pawis yung palad ng katabi kong ale
ilang ulit akong binati ng peace be with you nung bading sa harap ko, gusto ko ng bigyan ng rest in peace eh
nung tahimik ang lahat nautot ako
ng magkamali ako at umupo ako yung mga katabi ko umupo din
ang haba ng announcement at commercials ng misa... hanep pati pala ang misa pde na lagyan ng patalastas... masmahaba pa dun sa huling dasal...

paibilin

kahapon ang 49th day ek ek ng pagkamatay ng tatay ko, yun ang sineselebreyt sa chinese imbes na 40th.

madaming mga pamahiin at mga kaugalian ang ayaw kong tularan kapag ako naman ang namatay.

kapag ako ang namatay gusto ko;

*imbes na ilibing ng nakaugalian, icremate na lang ako, yung sobrang pera ipagpaaral na lang ng mga batang kapos

*imbes na pagawan ako ng museleo para di mabasa o maarawan ang labi ko, ipagawa na lang ng mga simpleng bahay ang ilang mga nangangailangan. alam nyo ba kung magkano ang isang simpleng musleo? katumbas na nito ang 3 simpleng bahay, ang dami daming walang matulugan, masilungan..

*imbes na magsunog ng mga paper money na supposedly para sa next life, at mga paper houses, cars, planes o anu pa, sunugin na lang tunay naming bahay kotse, mga katulong, babae, para masrealistic.. hehe joke lang, yung ipambibili ng susunuging mga papel, eh ibili na lang ng mga papael para sa mga estudyante sa mga public school, sayang ang mga puno na pinanggagawa ng papel, susunugin lang ng basta basta... tsk

*imbes na sunugin ang mga naiwan kong mga damit, ibenta na lang ito na mala ukay ukay, hehe joke lang din, mas gusto ko na ipamigay na lang ito sa mga nangangailangan, ang daming walang masuot tas susunugin lang...

at kung sakali mang totoo pala ang mga pamahiing mga ito, pwes sa next life.. hubad ako, maliban lang sa suot ko sa pag cremate, wala akong bahay, wala akong pera, kotse at anu pa man.. pero ok lang.. am sure sa next life madami namang sobrang eroplano ang ibang tao, at malamang may mga mabubjuting puso dun.. pero kung tama naman ako na hindi ko na yun kakailanganin sa kabilang buhay.. atleast.. may natulongan ako.. kahit na wala na ako.

medication

3 days ago, lumangoy kami ng pinsan ko ng kuya ko at ni gec kasama ang mga butanding, ang saya! yun nga lang pagkauwi ko sinisipon na ako at di na maganda ang pakiramdam ko, so inunahan ko na baka magkasakit ako, bago ako matulog uminom na ko ng dalwang 500mg na fern-c.

pagkaumaga ok ok na pakiramdam ko pero inuubo parin ako at may sipon parin, so take nanaman ako ng dalwang fern-c tas naalala ko may paracetamol pala akong nakita last time, isang banig yun color blue, so agad kong hinanap, ng makita ko pinop ko agad at ininum, ang pinagtataka ko lang pers taym ko ata makainum ng paracetamol na capsule imbes na tablet...

makalipas ang ilang oras... medyo weird ang pakiramdam ko... nauutot ako... ng umutot ako.. uhm... may baon... may sumabay.. shit...(literally) pero d naman buo.. parang oil lang... nasira ata tiyan ko..

after 4 hours at ilang saging..
iinum na uli ako ng paracetamol.. hinanap ko yung banig... ng makuha ko na... nabigla ako.. ndi pala paracetamol... XENICAL pala...

fresh start

anak ng siopao, I dunno what happened, my blog just disappeared, eh di naman ako nagpopost ng mga porno o anu haha, hassle.