Tuesday, March 25, 2008

paibilin

kahapon ang 49th day ek ek ng pagkamatay ng tatay ko, yun ang sineselebreyt sa chinese imbes na 40th.

madaming mga pamahiin at mga kaugalian ang ayaw kong tularan kapag ako naman ang namatay.

kapag ako ang namatay gusto ko;

*imbes na ilibing ng nakaugalian, icremate na lang ako, yung sobrang pera ipagpaaral na lang ng mga batang kapos

*imbes na pagawan ako ng museleo para di mabasa o maarawan ang labi ko, ipagawa na lang ng mga simpleng bahay ang ilang mga nangangailangan. alam nyo ba kung magkano ang isang simpleng musleo? katumbas na nito ang 3 simpleng bahay, ang dami daming walang matulugan, masilungan..

*imbes na magsunog ng mga paper money na supposedly para sa next life, at mga paper houses, cars, planes o anu pa, sunugin na lang tunay naming bahay kotse, mga katulong, babae, para masrealistic.. hehe joke lang, yung ipambibili ng susunuging mga papel, eh ibili na lang ng mga papael para sa mga estudyante sa mga public school, sayang ang mga puno na pinanggagawa ng papel, susunugin lang ng basta basta... tsk

*imbes na sunugin ang mga naiwan kong mga damit, ibenta na lang ito na mala ukay ukay, hehe joke lang din, mas gusto ko na ipamigay na lang ito sa mga nangangailangan, ang daming walang masuot tas susunugin lang...

at kung sakali mang totoo pala ang mga pamahiing mga ito, pwes sa next life.. hubad ako, maliban lang sa suot ko sa pag cremate, wala akong bahay, wala akong pera, kotse at anu pa man.. pero ok lang.. am sure sa next life madami namang sobrang eroplano ang ibang tao, at malamang may mga mabubjuting puso dun.. pero kung tama naman ako na hindi ko na yun kakailanganin sa kabilang buhay.. atleast.. may natulongan ako.. kahit na wala na ako.

No comments: