Wednesday, April 9, 2008

panonood ng pelikula

tips sa paghahanap ng pelikula sa isang date

unang dapat iwasan kung manonood kayo ng sine na kasama ang taong gusto mo ay ang "grup date", mahirap ito kasi mahahati ang atensyon nya, isa pa tsambahan sa upuan, hindi ka sigurado na yung gusto mo ang makakatabi mo hassle to masyado, ilang oras din yun. Mawawala ang intimate moment, sayang lang pinangbayad mo.

iwasan ang Action movie. kasi kapag aksyon movie, kain ang attensyon nyo sa pelikula syempre daming mga eksena na kailangang abangan, Pagnakatsamba ka pa ng sex scene sus ginoo magkakailangan kau nyan kapag di pa kayo magkakilala, pareho pa kayo magkukunyari na ayaw manood... sus..

Love story, piliin ng mabuti, huwag yung mga cheesy, siguraduhin na maganda at nakakainlab.. at guess what! kapag nakakainlab sya syempre magrereact yun "ayyyyy nakakainlabbb!!!" at sinu ang kasama? ikaw! advice ko lang panoorin mo muna pelikula siguraduhing maganda at wag cheesy, at iwasan din yung mga lab stori na masyadong impossibleng gawin ng isang mortal na lalake i.e. 51st dates, anak ng pucha naman hanep yun! kahit ako nainlab kay adam sandler, at kahit ako di ko kaya yun, walang lalakeng makakagawa nun.

Horror, maganda rin ito kasi sa bawat nakaktakot na moments paramdam mo na asa tabi ka nya... na di mo sya iiwan, na proprotektahan mo sya, hehe bonus pa ang bawat sandali na mapapayakap sya o diba hindi lang ang pelikula ang nakakpanindig balahibo. kung malakas naman ang loob ng babae, kaw na lang magkunyaring natatakot hehe yakap ka din tago ng mukha sa balikat nya haha! Napapansin ko lang lately, parang madalang na ang mga babaeng matatakutin sa mga ganitong pelikula, mahirap mang aminin pero madalas eh... masnatatakot ako kesa sa mga nakakasama ko, kaya medyo iwas na ako sa mga ganitong pelikula.

Suspense/Komedi, gaya ng action movies kelangan itong pagtunan ng atensyon... iwasan, maliban lang kung worth it talaga, kung maganda talaga yung movie para after nung movie meron kayong topic na pde pagusapan... mga good for two days, bonding

kung gusto rin sulitin ang mga oras na kasama sya, piliin ang mga pelikulang gaya ng harry potter o kaya lord of the rings o kaya brave heart... alam nyo na ba kung anu ang pagkakapareho ng mga to? isa lang, lahat sila matagal... hehe o diba masakit na pwet nyo di parin tapus ang pelikula hehe, magsawaan kau!!!

manood sa mga sinehan na walang sure-seats. masmaganda dun sa mga mauulit ulit mo pelikula hehe para masmahaba ang oras nyo hehe,

No comments: