august 16-2006
Dami ng nagbago sa bora ng huli ko tiong makita, masmarami na ang mga istrukturang konkreto, halos buong baybayin na eh natatakpan ng mga resort o kainan. Ngunit sa kabila ng lahat ng pag-angat ng kabuhayan sa islang eto eh sya rin naman ang paglubog ng buhay ng mga lokal o indigenious na mamayan ng isla. Di tulad ng mga turista dito, maitim sila, kulot yung mga tipong hitsura ng mga nilalait natin na klasmeyt nung bata pa tayo. Nakaupo sila sa tabi ng daan, o ng mga nagsisilakihang mga resort o bilihan sa baybayin. Nahiya ako sa sarili ko, heto ako nagsaysaya, at hayun sila, nakaupo, bit bit ang kanilang mga anak, nagpapasuso, humihingi ng bariya, tahimik na sumisigaw ng saklolo. Anu na lang ang kinabukasang naghihintay sa kanila? Makakasabay ba sila sa mabilis na pagikot ng bagong mundo? Sila ang mga orihinal na nainirahan sa isla, nakatira sa tabi ng dagat, namumuhay ng simple, at siguro masaya, ngunit sa pagdagsa ng ibang tao, natulak sila palayo sa kanilang kinagisnang buhay, ngayon eh nagmistulang pulubi sa sarili nilang lupa, sa lupa ng kanilang mga ninuno. tama ba yun?
Wednesday, April 9, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)

No comments:
Post a Comment