Wednesday, April 9, 2008

ang aking Pamilya

si Nanay - sya na lang yata ang hindi nakakaalam na paborito nya kuya ko, hehe. kung eto presidente natin feeling ko walang magloloko oh mangungurakot, tingin pa lang nakaksugat na, at naku kapag nagsalita mahihiya pa ang machine gun sa kanya, memorize ko na ata lahat na sermon nya hehe,iba rin yata to si mama pag dating sa ate ko; kapag wala si ate ganito sasabihin samin; Nanay: anu ba yang ate mo wala pang boypren hindi kasi marunong magayus, walang kaclassclass at hay naku tumitingin pa sa mga hukay hukay (ukay ukay) maikakasal kaya yan. pag anjan naman si ate ganito sya; Nanay: anu may boypren ka na ba? wag na muna ha, saka na, anu yang ate mo ba may boypren na? ganito naman sya sa Kuya ko ; anu ba yan ang taba taba mo na, maggagalaw galaw ka nga ng hindi ka tumataba ang laki na ng tiyan mo ah, aba magdiet at excercise ka na anak. pero kapag nasa hapagkainan; Nanay: aba anak kumain ka pa o eto bulalo kainin mo yang taba masustansya yan, kain ka pa. (nababaliw ako!!!!)
pero kahit ganun sya, laki parin ng pasasalamat ko na sya naging nanay ko, iginapang nya kami, kahit anung pagkakamli ko pinatawad ako.

si Kuya - (scenario tangahlian/hapunan) Kuya: ateeeeeeeee tubig nga (ang pitsil nasa harap lang nya), ateeeeeeee ketsap nga ( nasa tabi lang nya), lahat ginagwa ng kasambahay namin para sa kuya ko, kahit sa paghahanda ng damit na isusuot eh sya pa ang namimili at naghahanda (kaya pagdasal nyo na lang na okey ang fashion statement ni ate). role #2 ni kuya; jekyll and hyde, kapag sa babaeng trip nya jekyll sa hindi hyde hehe kapag nanliligaw (kung oo man, torpe eh.. o sige kapag nagpapacute) jekyll kapag nakuha na gusto o nagsawa na hyde, kay mama; kapag may kailangan jekyll kapag nakuha na o wala na hyde hehe, role #3 sparring partner ko, peromatagal na to, nung hindi na sya nanalo hindi narin lumalaban haha! role # 3 swapang sa babae, ang babae nya babae nya ang babae ko babae nya hahaha! kapag may usapan kayo at biglang hindi sumipot at nagsabing "emergency lang" naku babae na yan. kapag naligo naku babae na yan, kapag nagpabango naku babae na yan, kapag nagprapraktis ng english naku babae na yan, pero naku kahit sinu pa tong kumag na to kahit kasuklam suklam to kuya ko parin to, makikipagsapakan pa rin ako at... at... sapakan para sa kanya hehe. pinagdridrive naman ako nito eh kapag.. kapag wla syangbabae hehe

si Ate (bayologikal) - ang bumbay ng bahay, inuutangan namin ni kuya pero kadalasan t.y. na lang hehe, ang aking tagamasahe pero syempre may kapalit yun, kwento sya ng mga gurly stuff sabay ako nakikinig habang hinihilot hehe. bad trip sobrang mahal ko ate ko di ko mahiritan haha! saka na hahatak muna ko ng lakas ng loob. ang kaisaisang babae sa buhay ko -- eto na dagdag, kapag inaabot to eh biglang nagiging kaboses si mahal at si mura, imagine nyo na lang isang babae sa kanyang mid 20's nagbaby talk, ewan ko ba kung dapat ako makyutan, syado ring sabik na magkaroon ng boylet, hindi ko rin maintindihan kung bakit... minsan tuloy naasar ako, kaya kapag mga ganyan ang topic eh ayaw ko ng pakingan. lam nyo kasing mga babae di dapat kayo nadedepressed kung walang lalakeng nagseseryoso sa inyo na manligaw, ibig sabihin lang nun eh kayo ang mga babae na talagang dapat paghirapan at worth it, mga kalalakihan kasi ngayon kontento na ang iba sa mga easy to get, kaya chill lang kayo. pagdating ng hapunan kala mo wala ng bukas, tas bigla syang magtataka na may tiyan daw sya, wag kang pahuhuli dito kumain at tiyak na wala kang aabutan na ulam kundi gulay.

si Ako - pasaway sa pamilya, nagkukunyarig good boy, hindi na pinaniniwalaan ng mga babae na kakilala nya. lalo na mga skulmate nung highskul. kapag may kausap na babae na kilala sya nung HS ; babae: naku paolo tigilan mo nga ako bolero ka talaga. (bolero nga naman ako nung HS), Babae sa kolihiyo: naku gian tigilan mo nga ako mga ganyang hitsura hindi pinagkakatiwalaan ( may nakapaskil ba sa noo ko na manloloko???) hehe oh well ganyan talaga buhay. saka ko na hihiyain sarili ko madaling araw na antok na ko to be continue na lang (pero i doubt na madagdagan ko to haha!)

Uncle Bilog (pinsan ng tatay ko) - role model ng kuya ko, (sa mga kalokohan) kasma ko sa binondo paborito nito ang soup number 5(bakit kaya?). suki rin to sa mga ktv jan sa roxas, kapag kasma ko to wala ng frisking na ginagawa sakina ng mga bantay, eto ang nagturo sakin dati na "okey lang ang makipagsuntukan matalo at umiyak ang importante eh nakasuntok ka" kaya siguro ako lumaki na di takot sa gulo, tumatak sa isip ko e. tapus ngayon nalaman ko hindi pa pla sya nakikipag suntukan, lagi umiiwas sa away. (to be cont)

No comments: