Tuesday, March 25, 2008

medication

3 days ago, lumangoy kami ng pinsan ko ng kuya ko at ni gec kasama ang mga butanding, ang saya! yun nga lang pagkauwi ko sinisipon na ako at di na maganda ang pakiramdam ko, so inunahan ko na baka magkasakit ako, bago ako matulog uminom na ko ng dalwang 500mg na fern-c.

pagkaumaga ok ok na pakiramdam ko pero inuubo parin ako at may sipon parin, so take nanaman ako ng dalwang fern-c tas naalala ko may paracetamol pala akong nakita last time, isang banig yun color blue, so agad kong hinanap, ng makita ko pinop ko agad at ininum, ang pinagtataka ko lang pers taym ko ata makainum ng paracetamol na capsule imbes na tablet...

makalipas ang ilang oras... medyo weird ang pakiramdam ko... nauutot ako... ng umutot ako.. uhm... may baon... may sumabay.. shit...(literally) pero d naman buo.. parang oil lang... nasira ata tiyan ko..

after 4 hours at ilang saging..
iinum na uli ako ng paracetamol.. hinanap ko yung banig... ng makuha ko na... nabigla ako.. ndi pala paracetamol... XENICAL pala...

1 comment:

daydreamprodigy said...

"...shit (literally)..."

hahahahaha...nahulog tlga ako sa upuan kakatawa (literally)