Wednesday, April 9, 2008

tanong ng buhay ko

totoo bang masamang magtapun ng tisyu sa toilet bowl? sabi kasi ni ka ernie di naman, pero sabi ng nanay ko at ng mga banyo sa mga restoran oo, anu ba talaga?

pwede mangulangot ang taong pudpud ang kuko?

bakit nakasideview ang mga bayani sa coins natin?

bakit parang isa sa mga holywood series ang conspiracy ni PGMA?

ang tinga ba dapat pagkain lang? eh kung buhok na nastuck sa ngipin?

kapag ubos na ang ngipin mo pwede ka pa bang gumawa ng chikinini?

Bakit...

kapag payat na babae seski!!!
kapag payat na lalake malnurish...

bakit bawal maligo kapag pagod? totoo ba ang pasma? bakit wala itong kahulugan sa ingles?
bakit kailangang maligo agad kapag naulanan?

bakit bawal matulog kapag bagong paligo? dahil ba sa mababasa ang unan?

papanu kung pagod na pagod ka tas naulanan ka?

bakit kaya si batman tuwing gabi lang nagrerescue, wala bang krimen sa umaga?
naliligo pa kaya si aqua man?
bakit kahit anung laki ni incredible hulk hindi nasisira short nya? spandex ba yun?

masama ang maggupit ng kuko kapag gabi (eh kung kagatin ang kuko?)
masamang magwalis ng gabi (vacium? feather duster?)
matulog ng basa ang ulo (papanu ang kalbo?)
matulog ng busog.. (pwede)
hindi ka na tatangkad kapag tinawiran ka habang nakahilata ka at hindi ka na balikan
lumalabas ang kinain sa sugat?
may aswang (looking at may ate.. hindi siguro.. malamang tikbalang)
kapag nasa burol, huwag magpapaalam.. (kasi di naman makakasagot yung patay ah ewan hehe)
totoo bang tumatangkad kapag nagpapatuli? (masubukan nga)
sorry.. nakainum ako kagabi, di ko lam nangyari.. di ko sinasadya
totoo bang nakakabulag ang pagmamasturbate?
kapag malaki ang paa, malaki rin ang..... (magsusuot na ko ng size 16 na sapatos)

nakakabuntis ba ang withdrawal?

anu ba ang withdrawal?

nakakalabo daw ng mata ang pagmamasturbate... hehe so panu wala pa akong salamin.. pwede pa!!!

bakit ba kapag dinidescribe ako eh funny at witty? di ba pwedeng gwapo? kuntento na ako dun, sa totoo lang... oks na yun

mahal ba ako ng babaeng mahal ko? mahal mo ba ako? sagot!

No comments: