Monday, October 27, 2008

X-mas memories

Ang pinaka paborito ko nung buwan nung bata pa ako ay Disyembre, yun ang pinakamasaya, birthday ko, tas bumibisita mga pinsan ko, at higit sa lahat, pasko! at mga regalooooooooooo!!!!!!!

Ang dami kong pinaniwalaan nun, kapag naiisip ko ngayon lage pala ako nauuto ng lolo at lola ko, pero okey lang, atleast dami ko regalo hehe.
- three kings -sabi ng lola ko sa binatana daw dumadaan ang 3 kings, kaya yung mga regalo ko nakukuha ko sa bintana, kaso nagtataka ako nun... eh diba 3 kings??? eh bakit iisa lang regalo ko...
- pag sabit ng mejas - sabi ng lolo ko nun magsabit daw ako ng mejas, tas magkakapera daw yun.. so ginawa ko nga.. kinabukasan may pera nga!!! malulutong na singkenta!!! (hehe malaki na nung araw yun...) so ng sumunod na krismas, pinuno ko ang bahay ng mejas!! pati mga mejas ng lolo ko na maluwag na ang garter sinabit ko, pati ang mga stockings ng lola ko sinabit ko, wais ata to!!! hehe kaso pucha.. yung mejas lang sa may kama ko ang nagkakalaman...
-Xmas tree - pagpatak ng birthday ko, jan na kami magsisimulang magbuo ng xmas tree, ang ganda ng xmas tree namin nun.. ang laki!!! mga tipong pwede tirhan ni tarzan!!! tas punong puno ng mga regalo sa ilalim, tas kapag nabuo na namin ang puno, binubuhat ako ng lolo ko para ilagay ang istar, kaso.. habang tumatanda ang lolo, at ako naman eh lumalaki... ndi na ko binubuhat.. bumili na lng sya ng hagdan... kaso di ko feel.. so magtatanpororot face ako nun.. so ayun.. nagkaback problem ata lolo ko hehe
-give aways - tuwing xmas din, may mga give away ang lolo ko, tulad ng isang pagkakataon, ang binigay nya sa mga tao nya, mga wallet, seiko pa nun!!! ang wallet na maswerte!!! sa loob ng wallet naalala ko may laman na singkenta pesos (50php) hehehe at dahil sa wais ako na apo, kinukuha ko yung 50php, hehe kaya nagtataka sila bakit yung iba meron yung iba wala. namimigay din ang lolo ko ng mga bente bente na malulutong sa mga tao at bata sa pinaglalaruan nya ng tennis, binibigyan nya pa ako nun ng isang bundel para ipamigay ko din, napakabit ng lolo ko, kung kalahati lang ako ng pagkatao nya...

Ang pinakaayaw ko lang nun eh... tuwing naglalaro kami ng mga pinsan ko.. bigla akong tatawagin ng lola ko.. para magrosaryo... susme... isang oras ata akong nakaluhod nun... minsan nga napapaisip ako.. san kaya nalayo ang landas ko.. nung bata ako eh gabi gabi akong nagrorosaryo, pinagsakristan pa ako ng lola ko (sinuhulan ako nun hehe, may bayad ang bawat attendance ko) akala pa ng lahat eh magpapari ako. Pero wala eh... I'm born to make women happy... naks jowk lang

nakakamiss...

1 comment:

kath said...

andami mo memories sa grandparents mo kakaingit... wala ako nun, nasa leyte sila lahat... haaayyy