Friday, November 28, 2008

pers taym...

Ang mga bagay na una mong ginawa, o nangyari sayo... yan ang mga bagay na tatak sa alaala mo habang buhay, mapa masaya pa man yan malungkot, nakakatawa, nakakatakot nakakatulo ng laway.

flash back-------------------

matagal na kami ng kasintahan ko nun, so siguro nakapagdesayd na kami na eto na ang tamang panahon (alraytttttttt!!!!) asa bahay kami nun sa maynila, kami lang ang tao sa bahay. Pero syempre para safe, dapt may condom... kaso.. eh sa pers tym ko, at di ko naman iniisip na mangyayari yun.. wala akong condom, so dali dali akong lumabas para bumili ng condom..

7-11
pagpasok ko sa 7-11, pumila na ako sa counter at agad na sinurveilance ng aking mala agilang mata ang counter... syet... di ko makita ang mga condom.. umalis muna ako sa pila... kumuha ng isang sprite in can at agad pumila.. halong excitement at kaba... excited na makauwi.. pero kabadong bumili ng condom. Pag dating ko sa cashier...
abot ng sprite sabay "saka condom po..." sagot naman ng cashier "ay wala kaming condom" loob loob ko (syeeeeeeeeeeettttttttttt!!!!) agad kong binayaran ang sprite, habang hawak hawak ang softdrink kumaripas ako ng takbo papunta sa susunod na botika

botika
keloyd: ale, pabili po ng mefenamic... saka isa na din pong condom
ale: ay wala na kaming condom
keloyd: ok bayaran ko na lang po yan...

hawak hawak ang sprite sa isang kamay at mefenamic sa kabil;ang kamay takboooooo nananaman sa susunod na botika..

pagdating sa susunod na botika pawis pawis na ako, halong asar at pagod na nararamdaman ko

botika#2
pagpasok ko sa botika, nakita ko ang hilera ng mga condom pucha!!! jakpot!!!
pero medyo nahihiya parinako bumili ng condom kaya nagpasimple ako.. tinagal ko ang resibo ng 7-11 at nagkunwaring listahan yun ng kailangan ko
keloyd: (with horse voice) may gamot po kayo sa ubo? saka vit c na rin daw po, (sabay tingin ulit sa listahan na animoy gulat) saka.. isa din daw pong condom.. anu ba to?...
ale: anung condom ang gusto mo (obviously alam nya na palusot ko lang yun.. hahaha)

pagkabayad ko, hawak ang sprite, at mga gamot, takbooo nanaman ako agad pauwiiiiiii. paguwi, at agad agad na umaakyat sa hagdanan naririnig ko na ang theme song ng rocky na eye of the tiger!!! mapapalaban ka na keloyd!!!! diziziziziziittttt!!!!!!

pagbukas ko ng pinto!!! booommm!!! tulog na yung kasintahan ko... kaya ayun...

hanggang ngayon.. virgin pa ko...

No comments: