Wednesday, April 9, 2008

Memorable

LOL - dati may kachat ako, maganda sya, okey naman kausap, kaso kapag nagpapatawa ako panay ang reply ng "LOL or LOLZ" nung una okey lang.. kaso nung tumagal naasar narin ako, nireplyan ko na ng "kanina ka pa ah!!! ULOL ka din" ayun... hindi pla yun ang meaning nun..

fishball at scramble - nung elemntary ako, kapag recess pumupunta ako sa gate ng iskul at dun ako bumibili ng fishbol at ng scramble (crush iced and powder milk and flavoring with chocolate syrup) ayus yun sarap!!! tas maanghang pa yung sauce ng fishbol. then isang araw, after ng recess habang nasa loob ako ng silid aralan, nakaramdam ako ng lindol sa loob ng aking tiyan, pinagpawisan ako ng malamig, kumirot ang aking tiyan... in short NATATAE ako... agad akong nagpaalam sa aking guro "ma'am may I go out?" kaso meron pang nagcr so sabi ng guro ko antayin ko daw makabalik yung klasmayt ko, so nagantay ako habang pinipigilan ko ang sarili ko... at nagpapasimple na wala lang, na okey lang ako, kakahiya kaya umamin nung bata pa ko na natatae ako, uulanin ako ng kantyaw nun eh, o sya naghihintay na ko, eh kaso yung kumag kong klasmayt bumisita pa sa canteen at bumili pa ng kung anu, habang ako naman nagmamatigas na isara ang butas ng puwit ko. sa wakas dumating na klasmayt ko, agad agad akong tumayo at nagpaalam "ma'am may I go to the bathroom?!!!!". at agad agad na pasimpleng naglakad palabas ng silid aralan, at ng medyo nakalayo na, hala!!! karipas sa takbo!!! habang pisil pisil ang mga pisngi ng pwet ko pilit na isinasara ang butas ng puwit ko, nakikita ko na ang CR, konti na lang... malapit na!!!! BRRRRUWWWAAAAKKKK.... nakaramdam ako ng pagkakagaan ng loob, nawala ang sakit ng tiyan ko... nakaramdam ako ng init sa salwal ko... at nakramdam ng mainit na dumadaloy sa paa ko... hala!!!!

RELS3 - Religion3, bago ang lahat describe ko muna tong class na to, ang instructor namin dating semenarista na kamukha si bonel balingit kaso payat sya, may tono sya bisaya ata, mahilig mag joke, nakakatwa sya plus yung facial asset nya kakatwa din, halos lahat kami dun ireg so hindi lahat magkakakilala, lahat sila computer related courses at huli sa lahat 7-9pm class na to. nakaupo ako malapit sa pinto ang katabi ko crush ng department nila, maganda mahaba maputi mahaba buhok pero medyo kinulang sa iodize salt, sa likod ko naman mga kababaihan na madalas tumili at magbulong bulongan at ngumiti, lakas din mangtrip, anyway isang gabi, nag film viewing kami, limot ko na kung anung pelikula... patay ang ilaw, tahimik lahat, ako naman inaantok... then suddenly nauutot ako, so lumabas ako ng rum then utot, ahhhhh sarap, balik ako sa rum mya mya nauutot uli ako... di ko ba alam kung anu nakain ko, so labas uli ako utot... aaahhhh mainit init, balik naman ako sa silya ko... ayun nanaman nauutot nanaman ako... pero dis time napagisipisip ko pasisimplihan ko na lang kakatamd aksi tayo ako ng tayo... so ayan nagconcentrate ako... dadahandahanion kong ilalabas ang hangin ng aking katawan... unti unti kong ibubuka ang butas ng pwet ko.. para controlled flow... ayun na ayun na dahan dahan lang... PPPPOOOOOOOOOOOOOOOOOOOTTTTTTTTTTT ang pinakamalakas na utot na nagawa ko idagdag mo pa na plastik ang upuan namin na nagsilbing mic, hala nakarinig ako ng malakas na mga tawa mula sa mga spice girls sa likuran ko, mga tao sa paligid lilingon ko sa banda namin... ang masama nito isolated kami ng katabi kong byuti kwin, so isa lang talaga samin ang gagawa nun... anu ang ginawa ko? aba! bigla akong humarap sa katabi ko na tila ba gulat na gulat ako with a "OMG look" hehehe after nun di na ko kinausap ni byuti kwin, sayang... pwede pa anman sana kami,

No comments: