Wednesday, April 9, 2008

elevator

nung isang araw; (aktwali.. matagal na to, nung nasa kolehiyo pa ko)

late nanaman ako sa isa kong class na walang kwenta... so nakapag desayd ako na mageelevator na lang ako,

pindot ng button
bumukas ang pinto ng elevator; "aba, walang laman ayus" <== sa isip ko lang yan

pagpasok ko sa elevator at pagsulyap sa mundo sa labas ng mga ordinaryong nilalang na gumagamit parin ng primitibong hagdan... may nakita akong isang pamilyar na mukha... ang aking natatanging crush, nagmamadali syang humabol sa elevator na pasara na ang pinto... ngunit di na sya aabot... buti na lang nasa kamay ko ang kaligtasan!!! so ayun sinagip ko sya sa pagod ng kamunduhang hagdan,

pagpasok nya binigyan nya ako ng isang mala close-up komersyal na ngiti at sabay "thank you", sabay reply naman ako ng "dont mention it" sabay ngiti rin mga pacute epek

ahhh natutunaw akooooooo

background muna,

ang nakaraan;

kakatransfer ko lang nun sa eskwelahan ko ngayon, at sa isang subjek klasmayt ko sya grabe buong buhay ko yun lang ata ang klase na hindi ako umabsent o nalate, eniwey isang araw, nagkataon na naging grupmate kami, so sabi ko sa sarili "***** eto na pagkakataon mo para makuha ang numero nya" so nagisip ako ng mga swabeng linya;
can I get your number? for our project of course
would I get your number or would you get mine?
that's a nice phone... does it have a number?

so anu ang sinabi ko? "anu number mo?" anak ng tupa walang dating syet...

balik sa elevator;
habang nasa loob kami ng elevator sinabi nya "5th please" sabay sinuklian ko naman ito ng isang ngiti,

naglalaro na isip ko, gusto ko syang kausapin so namili ako ng sasabihin;
hi, its been a while
hey, do you still have my number?
how you been? same number?

so ang sinabi ko "ang tagal na kitang crush... may boypren ka na ba?"

hehe syempre di ko sinabi yun anu ako bali?

eniwey habang iniisip ko kung anu ang gagawin ko... unti unti syang naglakad palapit sa akin... OMG eto na!!!! nakangiti sya... sabay ang isang nyang kamay inangat nya tila ba yayakap saakin... en den pinindot nya yung button na may numerong 5...

hindi ko pala napindot...
hindi pala gumagalaw yung elevator...
nagmukha nanaman akong engot

No comments: