May naglalakad na chicks.. anu ang una mong napapansin? kinis ng legs... mahabang buhok... malaman na pwet.... korteng pamatay... dibdib na nakakalunod.... anu nga ba?
siguro marami ang hindi maniniwala, pero hindi ko talaga napapansin ang katawan ng babae, rather hindi ko agad napapansin, ang talagang pumupukaw lang sa pansin ko eh ang mukha, ipen, at mga kuko.
Kaya minsan nagtataka ako kapag may mga nagsasabi sakin na icheck out ko yung babae kasi makinis o anu, napansin ko din, bakit ang mga babae, napupuna lage nila ang dibdib ng kapwa babae... yun ba ang pangalawang tinitingnan ng mga babae?
anu na lang ang mangyayari kung crotch ng lalake ang pangalawang titingnan ko... hehe sagwa...
Wednesday, April 16, 2008
Wednesday, April 9, 2008
ang aking Pamilya
si Nanay - sya na lang yata ang hindi nakakaalam na paborito nya kuya ko, hehe. kung eto presidente natin feeling ko walang magloloko oh mangungurakot, tingin pa lang nakaksugat na, at naku kapag nagsalita mahihiya pa ang machine gun sa kanya, memorize ko na ata lahat na sermon nya hehe,iba rin yata to si mama pag dating sa ate ko; kapag wala si ate ganito sasabihin samin; Nanay: anu ba yang ate mo wala pang boypren hindi kasi marunong magayus, walang kaclassclass at hay naku tumitingin pa sa mga hukay hukay (ukay ukay) maikakasal kaya yan. pag anjan naman si ate ganito sya; Nanay: anu may boypren ka na ba? wag na muna ha, saka na, anu yang ate mo ba may boypren na? ganito naman sya sa Kuya ko ; anu ba yan ang taba taba mo na, maggagalaw galaw ka nga ng hindi ka tumataba ang laki na ng tiyan mo ah, aba magdiet at excercise ka na anak. pero kapag nasa hapagkainan; Nanay: aba anak kumain ka pa o eto bulalo kainin mo yang taba masustansya yan, kain ka pa. (nababaliw ako!!!!)
pero kahit ganun sya, laki parin ng pasasalamat ko na sya naging nanay ko, iginapang nya kami, kahit anung pagkakamli ko pinatawad ako.
si Kuya - (scenario tangahlian/hapunan) Kuya: ateeeeeeeee tubig nga (ang pitsil nasa harap lang nya), ateeeeeeee ketsap nga ( nasa tabi lang nya), lahat ginagwa ng kasambahay namin para sa kuya ko, kahit sa paghahanda ng damit na isusuot eh sya pa ang namimili at naghahanda (kaya pagdasal nyo na lang na okey ang fashion statement ni ate). role #2 ni kuya; jekyll and hyde, kapag sa babaeng trip nya jekyll sa hindi hyde hehe kapag nanliligaw (kung oo man, torpe eh.. o sige kapag nagpapacute) jekyll kapag nakuha na gusto o nagsawa na hyde, kay mama; kapag may kailangan jekyll kapag nakuha na o wala na hyde hehe, role #3 sparring partner ko, peromatagal na to, nung hindi na sya nanalo hindi narin lumalaban haha! role # 3 swapang sa babae, ang babae nya babae nya ang babae ko babae nya hahaha! kapag may usapan kayo at biglang hindi sumipot at nagsabing "emergency lang" naku babae na yan. kapag naligo naku babae na yan, kapag nagpabango naku babae na yan, kapag nagprapraktis ng english naku babae na yan, pero naku kahit sinu pa tong kumag na to kahit kasuklam suklam to kuya ko parin to, makikipagsapakan pa rin ako at... at... sapakan para sa kanya hehe. pinagdridrive naman ako nito eh kapag.. kapag wla syangbabae hehe
si Ate (bayologikal) - ang bumbay ng bahay, inuutangan namin ni kuya pero kadalasan t.y. na lang hehe, ang aking tagamasahe pero syempre may kapalit yun, kwento sya ng mga gurly stuff sabay ako nakikinig habang hinihilot hehe. bad trip sobrang mahal ko ate ko di ko mahiritan haha! saka na hahatak muna ko ng lakas ng loob. ang kaisaisang babae sa buhay ko -- eto na dagdag, kapag inaabot to eh biglang nagiging kaboses si mahal at si mura, imagine nyo na lang isang babae sa kanyang mid 20's nagbaby talk, ewan ko ba kung dapat ako makyutan, syado ring sabik na magkaroon ng boylet, hindi ko rin maintindihan kung bakit... minsan tuloy naasar ako, kaya kapag mga ganyan ang topic eh ayaw ko ng pakingan. lam nyo kasing mga babae di dapat kayo nadedepressed kung walang lalakeng nagseseryoso sa inyo na manligaw, ibig sabihin lang nun eh kayo ang mga babae na talagang dapat paghirapan at worth it, mga kalalakihan kasi ngayon kontento na ang iba sa mga easy to get, kaya chill lang kayo. pagdating ng hapunan kala mo wala ng bukas, tas bigla syang magtataka na may tiyan daw sya, wag kang pahuhuli dito kumain at tiyak na wala kang aabutan na ulam kundi gulay.
si Ako - pasaway sa pamilya, nagkukunyarig good boy, hindi na pinaniniwalaan ng mga babae na kakilala nya. lalo na mga skulmate nung highskul. kapag may kausap na babae na kilala sya nung HS ; babae: naku paolo tigilan mo nga ako bolero ka talaga. (bolero nga naman ako nung HS), Babae sa kolihiyo: naku gian tigilan mo nga ako mga ganyang hitsura hindi pinagkakatiwalaan ( may nakapaskil ba sa noo ko na manloloko???) hehe oh well ganyan talaga buhay. saka ko na hihiyain sarili ko madaling araw na antok na ko to be continue na lang (pero i doubt na madagdagan ko to haha!)
Uncle Bilog (pinsan ng tatay ko) - role model ng kuya ko, (sa mga kalokohan) kasma ko sa binondo paborito nito ang soup number 5(bakit kaya?). suki rin to sa mga ktv jan sa roxas, kapag kasma ko to wala ng frisking na ginagawa sakina ng mga bantay, eto ang nagturo sakin dati na "okey lang ang makipagsuntukan matalo at umiyak ang importante eh nakasuntok ka" kaya siguro ako lumaki na di takot sa gulo, tumatak sa isip ko e. tapus ngayon nalaman ko hindi pa pla sya nakikipag suntukan, lagi umiiwas sa away. (to be cont)

elevator
nung isang araw; (aktwali.. matagal na to, nung nasa kolehiyo pa ko)
late nanaman ako sa isa kong class na walang kwenta... so nakapag desayd ako na mageelevator na lang ako,
pindot ng button
bumukas ang pinto ng elevator; "aba, walang laman ayus" <== sa isip ko lang yan
pagpasok ko sa elevator at pagsulyap sa mundo sa labas ng mga ordinaryong nilalang na gumagamit parin ng primitibong hagdan... may nakita akong isang pamilyar na mukha... ang aking natatanging crush, nagmamadali syang humabol sa elevator na pasara na ang pinto... ngunit di na sya aabot... buti na lang nasa kamay ko ang kaligtasan!!! so ayun sinagip ko sya sa pagod ng kamunduhang hagdan,
pagpasok nya binigyan nya ako ng isang mala close-up komersyal na ngiti at sabay "thank you", sabay reply naman ako ng "dont mention it" sabay ngiti rin mga pacute epek
ahhh natutunaw akooooooo
background muna,
ang nakaraan;
kakatransfer ko lang nun sa eskwelahan ko ngayon, at sa isang subjek klasmayt ko sya grabe buong buhay ko yun lang ata ang klase na hindi ako umabsent o nalate, eniwey isang araw, nagkataon na naging grupmate kami, so sabi ko sa sarili "***** eto na pagkakataon mo para makuha ang numero nya" so nagisip ako ng mga swabeng linya;
can I get your number? for our project of course
would I get your number or would you get mine?
that's a nice phone... does it have a number?
so anu ang sinabi ko? "anu number mo?" anak ng tupa walang dating syet...
balik sa elevator;
habang nasa loob kami ng elevator sinabi nya "5th please" sabay sinuklian ko naman ito ng isang ngiti,
naglalaro na isip ko, gusto ko syang kausapin so namili ako ng sasabihin;
hi, its been a while
hey, do you still have my number?
how you been? same number?
so ang sinabi ko "ang tagal na kitang crush... may boypren ka na ba?"
hehe syempre di ko sinabi yun anu ako bali?
eniwey habang iniisip ko kung anu ang gagawin ko... unti unti syang naglakad palapit sa akin... OMG eto na!!!! nakangiti sya... sabay ang isang nyang kamay inangat nya tila ba yayakap saakin... en den pinindot nya yung button na may numerong 5...
hindi ko pala napindot...
hindi pala gumagalaw yung elevator...
nagmukha nanaman akong engot

paraiso
august 16-2006
Dami ng nagbago sa bora ng huli ko tiong makita, masmarami na ang mga istrukturang konkreto, halos buong baybayin na eh natatakpan ng mga resort o kainan. Ngunit sa kabila ng lahat ng pag-angat ng kabuhayan sa islang eto eh sya rin naman ang paglubog ng buhay ng mga lokal o indigenious na mamayan ng isla. Di tulad ng mga turista dito, maitim sila, kulot yung mga tipong hitsura ng mga nilalait natin na klasmeyt nung bata pa tayo. Nakaupo sila sa tabi ng daan, o ng mga nagsisilakihang mga resort o bilihan sa baybayin. Nahiya ako sa sarili ko, heto ako nagsaysaya, at hayun sila, nakaupo, bit bit ang kanilang mga anak, nagpapasuso, humihingi ng bariya, tahimik na sumisigaw ng saklolo. Anu na lang ang kinabukasang naghihintay sa kanila? Makakasabay ba sila sa mabilis na pagikot ng bagong mundo? Sila ang mga orihinal na nainirahan sa isla, nakatira sa tabi ng dagat, namumuhay ng simple, at siguro masaya, ngunit sa pagdagsa ng ibang tao, natulak sila palayo sa kanilang kinagisnang buhay, ngayon eh nagmistulang pulubi sa sarili nilang lupa, sa lupa ng kanilang mga ninuno. tama ba yun?

dalwang klase
sabi ng kaibigan ko dalawang klase lang daw ang babae,ito iyung kapag tinanung mo daw ang kaibigan mo ng "anung hitsura nya? maganda ba?" at kapag sinabi nyang "oo maganda" o di kaya "panalo tsong" okey daw yun pero kapag ang sinagot naman ay 1.mabait yun 2.matalino sya 3.maputi yun flawless 4.kinis ng legs pare 5.laki ng puweeet 6.bright ang future (malaki ang hinaharap) 7.okey lang huwag ka na umasa... kung dalawang klase lang pala ang babae (maganda at okey lang), dalawang klase rin pala ang lalake... ito ay ang mga manyak at ang mga nagkukunyaring hindi manyak.
presyo ng pagibig
bakit magastos ang magkasyota
1. monthsary
2. anniversary
3. at kung anu anu pang sary
4. new year
5. valentines
6. bday nya
7. bday mo
8. may magandang pelikula
9. may bagong resto
10. xmas
11. at kung anu anu pang excuses para lumabas

Ego ng Lalake
Bakit kaya kaming mga lalake or rather ang karamihan sa mga lalake kapag may bakla kahit anung pangit nila feeling nila may gusto sa kanila ang bakla?
Bakit kaya kelangan pa magimbento ng mga ibang lalake tungkol sa sex layp nila anu naman masama kung ndi ka madapuan o birhen ka pa? Ako nga eh never been touched never been kissed eh.

palusot 101
anu ang gagawin mo kapag gusto mo lumabas pero strict ang parens (excuses101 for promdis na nagcocondo/dorm/apartment sa manila)
1. kung ang nanay mo ay laging tumatawag para icheck ka, ngunit kelangan mo ng umalis unahan ng tawag si nanay 30 mins bago ka umalis, 30 mins kasi baka tumawag sya uli just in case lang.
2. kung hindi ka makakauwi at may tyansang tatawag si nanay, itext o twagan ang kasama sa bahay at pabilin na kapag may tumawag lalo na si ina ay sabihing tulog ka na, kung mag-isa ka lang, sabihin na lang kinabukasan na tulog ka na, dapat ay maback-upan mo ito, sanayin ang mga magulang una kapag nasa manila sila pakita na maaga ka ngang natutulog o *inaantok, galingan ang arte pilitin ang sarili, tandaaan dito nakasasalay ang iyong paglalabas. or kung bihira man si nanay bumisita itext lang si nanay sabihin lagi ka pagod maaga ka natutulog at anu pa man
3. tandaan masmagandang nagpapaalam, so kung ikaw ay magswiswimming at malamang hindi ka papayagan sabihin mo na lang magsisine lang.
4. kung may mga overnyt kayo ng barkada kesa na hindi ka magparamdam ay sabihin mo na lang na retreat o kaya outreach o kaya community service. pero sana kung kasama mo mama at sasabihin mong outreach huwag mo sana papakita na may dala kang bikini o tanning lotion at naku malilintikan kang bata ka.
5 lagi patatandaan na kung anu man ang ginawa mo sa magulang mo ay sya ring gagawin ng anak mo sa iyo...

Memorable
LOL - dati may kachat ako, maganda sya, okey naman kausap, kaso kapag nagpapatawa ako panay ang reply ng "LOL or LOLZ" nung una okey lang.. kaso nung tumagal naasar narin ako, nireplyan ko na ng "kanina ka pa ah!!! ULOL ka din" ayun... hindi pla yun ang meaning nun..
fishball at scramble - nung elemntary ako, kapag recess pumupunta ako sa gate ng iskul at dun ako bumibili ng fishbol at ng scramble (crush iced and powder milk and flavoring with chocolate syrup) ayus yun sarap!!! tas maanghang pa yung sauce ng fishbol. then isang araw, after ng recess habang nasa loob ako ng silid aralan, nakaramdam ako ng lindol sa loob ng aking tiyan, pinagpawisan ako ng malamig, kumirot ang aking tiyan... in short NATATAE ako... agad akong nagpaalam sa aking guro "ma'am may I go out?" kaso meron pang nagcr so sabi ng guro ko antayin ko daw makabalik yung klasmayt ko, so nagantay ako habang pinipigilan ko ang sarili ko... at nagpapasimple na wala lang, na okey lang ako, kakahiya kaya umamin nung bata pa ko na natatae ako, uulanin ako ng kantyaw nun eh, o sya naghihintay na ko, eh kaso yung kumag kong klasmayt bumisita pa sa canteen at bumili pa ng kung anu, habang ako naman nagmamatigas na isara ang butas ng puwit ko. sa wakas dumating na klasmayt ko, agad agad akong tumayo at nagpaalam "ma'am may I go to the bathroom?!!!!". at agad agad na pasimpleng naglakad palabas ng silid aralan, at ng medyo nakalayo na, hala!!! karipas sa takbo!!! habang pisil pisil ang mga pisngi ng pwet ko pilit na isinasara ang butas ng puwit ko, nakikita ko na ang CR, konti na lang... malapit na!!!! BRRRRUWWWAAAAKKKK.... nakaramdam ako ng pagkakagaan ng loob, nawala ang sakit ng tiyan ko... nakaramdam ako ng init sa salwal ko... at nakramdam ng mainit na dumadaloy sa paa ko... hala!!!!
RELS3 - Religion3, bago ang lahat describe ko muna tong class na to, ang instructor namin dating semenarista na kamukha si bonel balingit kaso payat sya, may tono sya bisaya ata, mahilig mag joke, nakakatwa sya plus yung facial asset nya kakatwa din, halos lahat kami dun ireg so hindi lahat magkakakilala, lahat sila computer related courses at huli sa lahat 7-9pm class na to. nakaupo ako malapit sa pinto ang katabi ko crush ng department nila, maganda mahaba maputi mahaba buhok pero medyo kinulang sa iodize salt, sa likod ko naman mga kababaihan na madalas tumili at magbulong bulongan at ngumiti, lakas din mangtrip, anyway isang gabi, nag film viewing kami, limot ko na kung anung pelikula... patay ang ilaw, tahimik lahat, ako naman inaantok... then suddenly nauutot ako, so lumabas ako ng rum then utot, ahhhhh sarap, balik ako sa rum mya mya nauutot uli ako... di ko ba alam kung anu nakain ko, so labas uli ako utot... aaahhhh mainit init, balik naman ako sa silya ko... ayun nanaman nauutot nanaman ako... pero dis time napagisipisip ko pasisimplihan ko na lang kakatamd aksi tayo ako ng tayo... so ayan nagconcentrate ako... dadahandahanion kong ilalabas ang hangin ng aking katawan... unti unti kong ibubuka ang butas ng pwet ko.. para controlled flow... ayun na ayun na dahan dahan lang... PPPPOOOOOOOOOOOOOOOOOOOTTTTTTTTTTT ang pinakamalakas na utot na nagawa ko idagdag mo pa na plastik ang upuan namin na nagsilbing mic, hala nakarinig ako ng malakas na mga tawa mula sa mga spice girls sa likuran ko, mga tao sa paligid lilingon ko sa banda namin... ang masama nito isolated kami ng katabi kong byuti kwin, so isa lang talaga samin ang gagawa nun... anu ang ginawa ko? aba! bigla akong humarap sa katabi ko na tila ba gulat na gulat ako with a "OMG look" hehehe after nun di na ko kinausap ni byuti kwin, sayang... pwede pa anman sana kami,

panonood ng pelikula
tips sa paghahanap ng pelikula sa isang date
unang dapat iwasan kung manonood kayo ng sine na kasama ang taong gusto mo ay ang "grup date", mahirap ito kasi mahahati ang atensyon nya, isa pa tsambahan sa upuan, hindi ka sigurado na yung gusto mo ang makakatabi mo hassle to masyado, ilang oras din yun. Mawawala ang intimate moment, sayang lang pinangbayad mo.
iwasan ang Action movie. kasi kapag aksyon movie, kain ang attensyon nyo sa pelikula syempre daming mga eksena na kailangang abangan, Pagnakatsamba ka pa ng sex scene sus ginoo magkakailangan kau nyan kapag di pa kayo magkakilala, pareho pa kayo magkukunyari na ayaw manood... sus..
Love story, piliin ng mabuti, huwag yung mga cheesy, siguraduhin na maganda at nakakainlab.. at guess what! kapag nakakainlab sya syempre magrereact yun "ayyyyy nakakainlabbb!!!" at sinu ang kasama? ikaw! advice ko lang panoorin mo muna pelikula siguraduhing maganda at wag cheesy, at iwasan din yung mga lab stori na masyadong impossibleng gawin ng isang mortal na lalake i.e. 51st dates, anak ng pucha naman hanep yun! kahit ako nainlab kay adam sandler, at kahit ako di ko kaya yun, walang lalakeng makakagawa nun.
Horror, maganda rin ito kasi sa bawat nakaktakot na moments paramdam mo na asa tabi ka nya... na di mo sya iiwan, na proprotektahan mo sya, hehe bonus pa ang bawat sandali na mapapayakap sya o diba hindi lang ang pelikula ang nakakpanindig balahibo. kung malakas naman ang loob ng babae, kaw na lang magkunyaring natatakot hehe yakap ka din tago ng mukha sa balikat nya haha! Napapansin ko lang lately, parang madalang na ang mga babaeng matatakutin sa mga ganitong pelikula, mahirap mang aminin pero madalas eh... masnatatakot ako kesa sa mga nakakasama ko, kaya medyo iwas na ako sa mga ganitong pelikula.
Suspense/Komedi, gaya ng action movies kelangan itong pagtunan ng atensyon... iwasan, maliban lang kung worth it talaga, kung maganda talaga yung movie para after nung movie meron kayong topic na pde pagusapan... mga good for two days, bonding
kung gusto rin sulitin ang mga oras na kasama sya, piliin ang mga pelikulang gaya ng harry potter o kaya lord of the rings o kaya brave heart... alam nyo na ba kung anu ang pagkakapareho ng mga to? isa lang, lahat sila matagal... hehe o diba masakit na pwet nyo di parin tapus ang pelikula hehe, magsawaan kau!!!
manood sa mga sinehan na walang sure-seats. masmaganda dun sa mga mauulit ulit mo pelikula hehe para masmahaba ang oras nyo hehe,

liar liar
ang pinakamalaking kasinungalingan sa buhay ko, ang masaklap dito, di ko agad na realize. sinabi to ng kasambahay namin dati nung bata pa ako. shit napaniwala ako for a time.
yaya: ang pogi talaga ng alaga ko
yaya: ang pogi talaga ng alaga ko
tanong ng buhay ko
totoo bang masamang magtapun ng tisyu sa toilet bowl? sabi kasi ni ka ernie di naman, pero sabi ng nanay ko at ng mga banyo sa mga restoran oo, anu ba talaga?
pwede mangulangot ang taong pudpud ang kuko?
bakit nakasideview ang mga bayani sa coins natin?
bakit parang isa sa mga holywood series ang conspiracy ni PGMA?
ang tinga ba dapat pagkain lang? eh kung buhok na nastuck sa ngipin?
kapag ubos na ang ngipin mo pwede ka pa bang gumawa ng chikinini?
Bakit...
kapag payat na babae seski!!!
kapag payat na lalake malnurish...
bakit bawal maligo kapag pagod? totoo ba ang pasma? bakit wala itong kahulugan sa ingles?
bakit kailangang maligo agad kapag naulanan?
bakit bawal matulog kapag bagong paligo? dahil ba sa mababasa ang unan?
papanu kung pagod na pagod ka tas naulanan ka?
bakit kaya si batman tuwing gabi lang nagrerescue, wala bang krimen sa umaga?
naliligo pa kaya si aqua man?
bakit kahit anung laki ni incredible hulk hindi nasisira short nya? spandex ba yun?
masama ang maggupit ng kuko kapag gabi (eh kung kagatin ang kuko?)
masamang magwalis ng gabi (vacium? feather duster?)
matulog ng basa ang ulo (papanu ang kalbo?)
matulog ng busog.. (pwede)
hindi ka na tatangkad kapag tinawiran ka habang nakahilata ka at hindi ka na balikan
lumalabas ang kinain sa sugat?
may aswang (looking at may ate.. hindi siguro.. malamang tikbalang)
kapag nasa burol, huwag magpapaalam.. (kasi di naman makakasagot yung patay ah ewan hehe)
totoo bang tumatangkad kapag nagpapatuli? (masubukan nga)
sorry.. nakainum ako kagabi, di ko lam nangyari.. di ko sinasadya
totoo bang nakakabulag ang pagmamasturbate?
kapag malaki ang paa, malaki rin ang..... (magsusuot na ko ng size 16 na sapatos)
nakakabuntis ba ang withdrawal?
anu ba ang withdrawal?
nakakalabo daw ng mata ang pagmamasturbate... hehe so panu wala pa akong salamin.. pwede pa!!!
bakit ba kapag dinidescribe ako eh funny at witty? di ba pwedeng gwapo? kuntento na ako dun, sa totoo lang... oks na yun
mahal ba ako ng babaeng mahal ko? mahal mo ba ako? sagot!

repost
hassle talaga na nawala dati kong blog, buti na lang yung ibang kong post asa friendster, irerepost ko na muna dito baka mawala friendster e hehe
byee
Guys, aalis na ako sa april 31,mga 6 years din yung contract, di ko lam kung makakpagblog pa ko, sana.... iniimbitahan ko kayo lahat sa pier one roxas, ng 1am ng april 31!!!
Wednesday, April 2, 2008
estudyante codes
kakamiss ang buhay estudyante, saka yung mga pagpapalusot..
Group study - drinking session ng barkadaaa
over night para gawin ang thesis - may outinggggg
project - kailangan ng pang outiiingggg
late - maaga dumating ang prof
bukas na ang deadline -uumpisahan ng gawin ang project
ma'am may i go to the wash room - yosi break muna
to be cont

Subscribe to:
Comments (Atom)