Siguro kung nangopya lang ako nung college, eh di na ko natangal sa engineering.. kaso nga naman... panu ako mangongopya kung puro solusyon ang kokopyahin ko.
Lumabas ata ang pagiging kre-eytib ko sa pangongopya nung hayskul, sa chinese class ko nun. Hindi ko alam kung nagawa ko ang lahat ng istilo ng pangongopya, pero eto eto mga nasubukan ko.
*isulat sa maliit na papel -basic
*isulat sa loob ng panda ballpen -delikado
*isulat sa lamesa -halos lahat ata ginawa to, pati ata teacher natin ginawa to, pero may teknik ako dito para di halata, hinahalo ko sa drawing
*isulat sa sapatos, sa swelas ng sapatos, so dapat lage ka nakadikwatro nun
*isulat sa paa, iaangat mo lang ang pantalon mo ayun na
*isulat sa papel tas idikit sa bulsa ng polo
*buksan ang notebook at handouts -sinu bang di ginawa to?
sana mabasa to ng mga estudyante ni kathe hehe
Saturday, October 25, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)

1 comment:
pag nangopya kaya ako sa compre, mahuhuli kaya ako? pag hindi, papasa kaya ako? pag nahuli ako, ano kaya gagawin sa akin? bwahahah di na talaga ako makakagradweyt ng grad skul.
Post a Comment