Thursday, February 19, 2009

6/49

Pucha, Grabe ang mga pila sa mga lotto outlets ngayon, lalo na kapag araw ng bola ng 6/49, hindi na nakakabiglang may makikita kang tumataya na di naman talaga tumataya, o kaya mga pers tym tumaya, ikaw ba naman makita mong ang bente pesos mo baka maging 280million pesoseseses!!!!

Isang gabi ng huwebes, banadang alas dose, pauwi kami nina athan at rj, naglalakad at nagkwekwentuhan, kakataya lang namin nun sa lotto ng araw na yun.
keloyd: pare nakita mo ba sa net yung tumama sa lotto?
Athan: ay shit!! onga noh, nakalimutan ko
Keloyd: dibale check k sa kaibigan ko

maya maya...

Keloyd: pare to na yung tumama
(sabay pasa ng cellphone kay RJ)
RJ: syet 8,9,10,28,40,# (tas isa pang num na di ko na maalala)
RJ: isa lang nakuha sakin ah.. teka 8,9,10 meron nito si athan! ako nagtaya nun eh alam ko saka sunod sunod
Keloyd: weeehh impossible, bakit naman sya magtatataya ng sunod sunod?
RJ: di nga totoo diba than?
Athan: oo meron ako nun, haha ayus may balik taya na ako, sayang yung 28, 38 nataya ko.

maya maya pagbalik sa bahay, agad na kinuha ng dalwang ulupong mga ticket nila
Athan: pare nanalo ako1!!!
RJ: oonga pucha nanalo si athan!!!
(tumalon talon si RJ, Namula ang mga mukha ng dalawa, eh kasi may pangako kami sa isat isa na pag may nanalo tig 25million na balato ang 2 samin)

saya na sana noh? kaso... di naman sila nanalo.. kinopya ko num nila nung hapon, tapus tinext ko sarili ko ng gabi.. hahahahahahahahahahahahhahahahahahahah

ayaw ko na ikwento anu nangyari ng nalaman nila na joke lang pala yun hahaha

No comments: