Monday, February 23, 2009

Listaaaaa

1. Siquijor oks
2. Hermit Crab oks
3. Sagada
4. Bicol Express PNR
5. Train BJJ in Brazil
6. Train Muay Thai in Thailand
7. Watch a Muay thai fight in thailand
8. Makakain ng scorpion
9. Mawala ang takot sa daga
10. Makatanim ng isang puno oks
11. Makaakyat ng Mayon
12. Maglakbay ng magisa oks
13. Tumulong sa estranghero oks
14. magkatay ng manok
15. magalaga ng manok. oks
16. magalaga ng kambing.
17. magalaga ng jelly fish
18. kumain ng sisiw ng balot oks
19. kumain ng one day old chick oks
20. kumain ng ox brain
21. kumain ng lengua
22. kumain ng babae hahahaha
23. makatulong sa 100 pamilya
24. makapatapus ng pagaaral ng isang bata
25. makapagmotor papuntang Visayas
26. humingi ng paumanhin sa lahat ng taong napagsalaan
27. makapagpasalamat sa lahat ng taong naging mabuti sakin
28. bunjee jump
29. scuba dive oks
30. sky dive

Karma

Before, lage ko naiisip na baka ako ang karma ng ibang tao, o karma ng taong nagmamahal sa kanila... ngayon naman... napapaisip ako, kelan naman kaya ang karma ko?

Sedula

Isang hapon sa isang barangay office.

Kailangan ni jonathan nun ng sedula, so hetot kukuha na kami.

Clerk: uhm... keloyd cheang chinese ka ba?
*: opo...
C: 1984?? 24 ka pa lang??
*: uhm.. opo...
C: hayyy... (tatak, approve) bahala ka..

* - ay si mang inggo.. yung 37 years old kong katrabho na kahit sapakin mo ang mata at pagamitin mo ng isang kahong gluthatione e di parin magmumukhang intsik. Pito na pala anak nya.

Clerk: jonathan C*... chinese ka din??
**: (nakangiti) opo
C: at 1985 ka naman?
**: hehe opo
C: tatak

** - si mang oroy, yung isa ko pang katrabaho na malaki ang tiyan at 2 na ang anak

Thursday, February 19, 2009

6/49

Pucha, Grabe ang mga pila sa mga lotto outlets ngayon, lalo na kapag araw ng bola ng 6/49, hindi na nakakabiglang may makikita kang tumataya na di naman talaga tumataya, o kaya mga pers tym tumaya, ikaw ba naman makita mong ang bente pesos mo baka maging 280million pesoseseses!!!!

Isang gabi ng huwebes, banadang alas dose, pauwi kami nina athan at rj, naglalakad at nagkwekwentuhan, kakataya lang namin nun sa lotto ng araw na yun.
keloyd: pare nakita mo ba sa net yung tumama sa lotto?
Athan: ay shit!! onga noh, nakalimutan ko
Keloyd: dibale check k sa kaibigan ko

maya maya...

Keloyd: pare to na yung tumama
(sabay pasa ng cellphone kay RJ)
RJ: syet 8,9,10,28,40,# (tas isa pang num na di ko na maalala)
RJ: isa lang nakuha sakin ah.. teka 8,9,10 meron nito si athan! ako nagtaya nun eh alam ko saka sunod sunod
Keloyd: weeehh impossible, bakit naman sya magtatataya ng sunod sunod?
RJ: di nga totoo diba than?
Athan: oo meron ako nun, haha ayus may balik taya na ako, sayang yung 28, 38 nataya ko.

maya maya pagbalik sa bahay, agad na kinuha ng dalwang ulupong mga ticket nila
Athan: pare nanalo ako1!!!
RJ: oonga pucha nanalo si athan!!!
(tumalon talon si RJ, Namula ang mga mukha ng dalawa, eh kasi may pangako kami sa isat isa na pag may nanalo tig 25million na balato ang 2 samin)

saya na sana noh? kaso... di naman sila nanalo.. kinopya ko num nila nung hapon, tapus tinext ko sarili ko ng gabi.. hahahahahahahahahahahahhahahahahahahah

ayaw ko na ikwento anu nangyari ng nalaman nila na joke lang pala yun hahaha

Frenzy

Isang gabi habang tumutulong sa Generics Pharmacy ni athan (libre plug ka na hayup ka!!!)

May pumasok na dalaga, tumayo ako sa inuupaan ko
Keloyd: good evening ma'am anu po yun?
Dalaga: isa ngang frenzy
keloyd: uhm anu pong flavor? mint, orange o banana?
Dalaga: ahm.. lemon ata yun..
Keloyd: (sabay tingin sa mga Frenzy condoms) wala po kaming lemon, baka kasi mahapdi yun hehehe
Dalaga: (smilessss) ay.. Fern-C po... Fern-C
Keloyd: (ssshiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiyyyyyyyyyeeeeeeeeeettttttttt!!!!!!!)