Friday, November 28, 2008

pers taym...

Ang mga bagay na una mong ginawa, o nangyari sayo... yan ang mga bagay na tatak sa alaala mo habang buhay, mapa masaya pa man yan malungkot, nakakatawa, nakakatakot nakakatulo ng laway.

flash back-------------------

matagal na kami ng kasintahan ko nun, so siguro nakapagdesayd na kami na eto na ang tamang panahon (alraytttttttt!!!!) asa bahay kami nun sa maynila, kami lang ang tao sa bahay. Pero syempre para safe, dapt may condom... kaso.. eh sa pers tym ko, at di ko naman iniisip na mangyayari yun.. wala akong condom, so dali dali akong lumabas para bumili ng condom..

7-11
pagpasok ko sa 7-11, pumila na ako sa counter at agad na sinurveilance ng aking mala agilang mata ang counter... syet... di ko makita ang mga condom.. umalis muna ako sa pila... kumuha ng isang sprite in can at agad pumila.. halong excitement at kaba... excited na makauwi.. pero kabadong bumili ng condom. Pag dating ko sa cashier...
abot ng sprite sabay "saka condom po..." sagot naman ng cashier "ay wala kaming condom" loob loob ko (syeeeeeeeeeeettttttttttt!!!!) agad kong binayaran ang sprite, habang hawak hawak ang softdrink kumaripas ako ng takbo papunta sa susunod na botika

botika
keloyd: ale, pabili po ng mefenamic... saka isa na din pong condom
ale: ay wala na kaming condom
keloyd: ok bayaran ko na lang po yan...

hawak hawak ang sprite sa isang kamay at mefenamic sa kabil;ang kamay takboooooo nananaman sa susunod na botika..

pagdating sa susunod na botika pawis pawis na ako, halong asar at pagod na nararamdaman ko

botika#2
pagpasok ko sa botika, nakita ko ang hilera ng mga condom pucha!!! jakpot!!!
pero medyo nahihiya parinako bumili ng condom kaya nagpasimple ako.. tinagal ko ang resibo ng 7-11 at nagkunwaring listahan yun ng kailangan ko
keloyd: (with horse voice) may gamot po kayo sa ubo? saka vit c na rin daw po, (sabay tingin ulit sa listahan na animoy gulat) saka.. isa din daw pong condom.. anu ba to?...
ale: anung condom ang gusto mo (obviously alam nya na palusot ko lang yun.. hahaha)

pagkabayad ko, hawak ang sprite, at mga gamot, takbooo nanaman ako agad pauwiiiiiii. paguwi, at agad agad na umaakyat sa hagdanan naririnig ko na ang theme song ng rocky na eye of the tiger!!! mapapalaban ka na keloyd!!!! diziziziziziittttt!!!!!!

pagbukas ko ng pinto!!! booommm!!! tulog na yung kasintahan ko... kaya ayun...

hanggang ngayon.. virgin pa ko...

Sunday, November 23, 2008

kain kain

Naransan nyo na ba nun yung mga kadiring gawain ng mga kapwa natin? lalong lalo na nung mga kamusmusan natin... pagkagat ng kuko... sa paa!!! may masmalala pa dun!!! pagkain ng kulangot!!! pucha... pero... naisip ko... maskadiri siguro kung tutuli na ang kinakain.....

Maling akala

Alam nyo ba yung kasabihan na "maraming namamatay sa maling akala"?
feeling ko mas angkop na to sa mga nangyayari ngayon sa lipunan "maraming nabubuhay sa maling akala"

nakakabuntis po kahit pers taym mo
nakakabuntis po ang widrawal
hindi laging maasahan ang rythem method
hindi totoong ikikiskis lang!!! wag ka maniwala!!!!!!!!!!!!!!

The Sims

Eto na ata ang nagiisang laro na alam ko na nilaro ng halos ng lahat, pati ate ko nilaro to e.

bakit okey maging sim?
pwede ka maging kahit na sinung gusto mo
may cheat sa pera mabibili mo ang lahat
makakapgbakasyon ka araw araw
matututo kang magluto, kumanta, gumawa ng dwende within minutes!!!
may robot kang yaya
may susundo sayo kapag magtratrabho ka na


bakit pangit maging isang sim
sa halik lang makakabuntis/mabubunis ka na... thank God I'm alive!!!!!

twaylayt

Feeling ko 80% ng fans ng libro na yun mga babae. 100% sa kanila kinikilig
Feeling ko 70% ng lalake asar kay edward, yung tirang 30% kinikilig, ay wait bading pala mga yun
Pucha naman, lalo ng pinahirapan ng author nun ang pagiging lalake, panu pa kami papantay dun... hehe kaya mga gurls wag na kayo maghanp ng ganung lalake, mga ganung lalake asa section lang ng "fiction"sa mga book shop
wala na ko malagay hahaha