Monday, August 4, 2008

ghost stories

Hindi ako ang tipong taong naniniwala sa mga aswang, mangkukulam, dwende, kapre, o virgin pa kuya ko, ang pinakaalanganin na atang pinaniniwalaan ko eh si santa clause. Hindi din ako mahilig manood ng mga nakakatakot na pelikula kasi nakokornihan ako, parang tinatakot lang natin sarili natin, binibigyan natin ng rason ang utak natin na gumawa ng imahinasyon o anu pa mang kabalbalan.

2 years na ako dito sa naga, mag 1-1/2 years na ko dito sa apartment ko, sa unang apat na buwan ko dito eto ang aking naranasan (babala; kung maghahataing gabi na, bukas mo na to basahin kasi aantukin ka, kung matatakutin ka o may askit ka sa puso, sige lang walang mangyayari sayo)

Bagong lipat langa ko nun sa apartment, wala pa akong masyadong mga kagamitan (come to think of it, hanggang ngayon wala pa akong mga kagamitan) sa kutson lang ako natutulog nun, anyway, isang gabi.. habang natutulog ako, nagising na lang ako ng bigla kasi yumuyugyog ang kutson ko, pagdilat ko tumigil sya.. akala ko nanaginip lang ako at pumipitik ang paa ko, so hinayaan ko lang atr natulog ako ulit, pero naulit pa ito ng tatlong beses. pero hindi ko ito masyadong binigyan ng pansin.
may kapitbahay akong nagpapagawa ng bahay, nagsama sya ng isang eksperto ng feng shui, ako naman pininturahan ko ang kwarto ko ng stripes ng green at brown, oo idol ko si tarzan. Iniwan kong bukas ang mga bintana ko sa kwarto upang sumingaw, habang nagaantay ang kapitbahay ko at ang feng shui master sa waiting shed sa tapt ng apartment ko, biglang nagpanic at nagmamadaling sumakay ng jeep si FS master, at ayun sa kwento ng kapitbahay ko, may nakita daw syang malaking mama sa binatana ko (bigla kong narealize andito pala ako sa kwarto ko habang ginagawa ko to... syeeeeeeeeet!!!!)
ng ikwento eto sakin ng secretary ko natawa na lang ako (pero deep inside ninerbyos din ako) ng gabi din na iyon, naligo ako, paglabas ko ng banyo, nakita ko ang hand towel na sinabit ko sa upuan, gumagalaw... nakasara ang mga bintana.. nakapatay ang electric fan... tumayo ang lahat ng buhok ko sa katawan.. oo pati sa kili kili at sa kuwan.. dahn dahan akong umakyat ng hagdan.. at nagpapasimple na hindi natatakot.. pagdating sa kwarto nilock ko ang pinto.. na tila ba hindi kaya ng multo lumusot sa pader.. nagtabi din ako ng kutislyo, na tila ba pde mo pa patayin ang patay...

end of part one

4 comments:

Lib said...

"ang pinakaalanganin na atang pinaniniwalaan ko eh si santa clause"

you believed in santa clause? is that what it meant?

keloyd said...

haha yes I do!!! isabay mo na din jan si shaider at si ultraman

kath said...

hahaha minumulto ka???

i had my own supernatural experience too... grabe un dko talaga makalimutan... d nga lang ako masyadong nagkukwento kasi sino ba ang maniniwala sa panahong ito ng laptop, mp3 players at kung anu ano... =)

keloyd said...

haha! ako din eh, lalo na sa mga kaibigan kasi sobrang skeptic ko dati.. tas ngayon...